Remove ads
makasaysayang estado sa Mespotamia From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Akkadiyo (Ingles: Akkadian Empire[2]) ay isang imperyo na nakasentro sa lungsod ng Akkad[3] at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga Semita at mga nagsasalitang Sumerian sa ilalim ng isang pamamahala.[4]
Noong 3000 BCE, may umunlad na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerian at mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismo.[5] Unti unting pinalitan ng wikang Akkadiyo ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCE.[6] Naabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na pang politika nito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad(2334–2279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan [7] bagam may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.