Remove ads

Ang isang sentrong pampangasiwaan, sentrong administratibo, o punong pampangasiwaan (Ingles: administrative centre), ay isang luklukan o sentro ng panrehiyon na pangasiwaan o lokal na pamahalaan, o isang bayang kondado, o ang pook kung saang matatagpuan ang sentral o gitnang pangasiwaan o administrasyon ng isang komyun.

Sa mga bansa kung saang isa sa kanilang mga wikang pampangasiwaan ay ang wikang Pranses (tulad ng Belhika, Luxembourg, Switzerland o maraming mga bansang Aprikano) at sa ilang mga ibang bansa (tulad ng Italya, ihambing sa salitang capoluogo), ang isang chef-lieu (Pagbigkas sa Pranses: [ʃɛfljø], pangmaramihan chefs-lieux (literal na "punong lugar" o "ulong lugar"), ay isang bayan o lungsod na nakatataas mula sa isang pampangasiwaang perspektibo. Ang ‘f’ sa chef-lieu ay binibigkas, kabaligtaran sa chef-d'oeuvre kung saang hindi ito binibigkas.

Remove ads

Mga bansa

Algeria

Tinatawag na chef-lieu ang kabisera ng isang lalawigang Alheryano. Tinatawag ding chef-lieu ang kabisera ng isang distrito, ang sumunod na pinakamalaking dibisyon. Ang kabisera ng pinakamababang dibisyon, ang mga munisipalidad, ay tinatawag na agglomeration de chef-lieu (aglomerasyong chef-lieu) at dinaglat ito bilang A.C.L.

Belhika

Ang chef-lieu sa Belhika ay ang sentrong pampangasiwaan ng bawat isa sa sampung mga lalawigan ng Belhika. Tatlo sa mga lungsod na ito ay nagbibigay rin ng kanilang pangalan sa kanilang lalawigan (Antwerp, Liège at Namur).

Hordan

Sa Kahariang Hashemito ng Hordanya, kilala ang mga sentrong pampangasiwaan bilang "mga punong bayan" (chief towns) o mga nahia.[1] Ang mga nahia ay maaaring nangangasiwa sa isang sub-distrito (qda), isang distrito (liwa), o isang gobernado o governorate (muhafazah).

Mga bansa sa Kanlurang Aprika na nagsasalita ng wikang Pranses

Karamihan sa mga bansa sa Kanlurang Aprika na nakakamit ng kalayaan mula sa Pransiya noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon ay nakapamana ng Pranses na estrukturang pampangasiwaan ng mga Departmento at Komyun, na pinamumunuan ng isang Chief-Lieu. Kabilang sa mga bansang gumagamit pa rin ng "Chief-Lieu" upang matukoy ang himpilang pampangasiwaan ng isang subdibisyon ng pamahalaan ay Senegal, Burkina Faso, Benin, Mali, at Niger[2]

Pransiya

Ang chef-lieu ng isang département ay kilala bilang préfecture. Ito ay isang komyun (katumbas ng isang bayan o lungsod sa Pilipinas) kung saang matatagpuan ang prepekto ng départment (at lahat ng mga paglilingkod sa ilalim ng kaniyang pamamahala), sa isang gusaling kung tawagi'y ang prepektura. Sa bawat rehiyon, isa sa mga départment ay nakatataas sa iba, at ang prepekto ay nagdadala ng titulong Prepekto ng rehiyong X…, Prepekto ng Departmentong Z… at ang lungsod kung saang matatagpuan ang panrehiyon na prepekto ay kilala bilang chef-lieu ng rehiyon o, mas-karaniwan, Panrehiyon na prepektura. Ngunit ang mga paglilingkod ay pinamamahala ng prepektura ng départment.

Ang chef-lieu ng isang arrondissement, na madalas na kilala bilang sous-préfecture ay ang komyung kung saang matatagpuan ang sub-prepekto ng arrondissement (at mga paglilingkod sa ilalim ng kaniyang pamamahala), sa isang gusaling kung tawagi'y sub-prepektura. Ang arrondissement kung saang matatagpuan ng prepektura ng département prefecture ay karaniwang hindi nagtataglay ng isang sub-prepekto o sub-prepektura, ang pangasiwaan ay karaniwang inilipat sa Kalihim-heneral ng pandepartamentong prepektura, na nagsisilbing sub-prepekto para sa arrondissement.

Ang chef-lieu ng isang canton ay karaniwang pinakamalaking komyun sa loob ng canton, ngunit mayroon lamang itong gampanin sa turing. Walang tiyak na mga paglilingkod ang pinamamahalaan nito. Sa nagdaang mga dekada, laging may isang gendarmerie na isang ingat-yaman at mahistrado ng kapayapaam.

Ang chef-lieu ng isang komyun ay ang pangunahing lugar ng komyun na nagbibigay ng pangalan sa nabanggit na komyun, ang ibang mga lugar ng komyun ay tinatawag na mga hamlet. Ang mga tipograpong Pranses ay gumagamit ng malaking titik para sa ‘Le’ o ‘La’ bago ang pangalan ng mga lugar na may katayuang ‘chef-lieu ng bayan’, at maliit na titik na ‘le’ o ‘la’ para sa mga hamlet.

Rusya

Sa Rusya, ikinakapit ang terminong ito sa mga tinitirhang pamayanan o pook na nagsisilbing luklukan o sentro ng pamahalaan ng mga entidad ng maraming mga antas. Ang tanging kataliwasan sa patakarang ito ay ang republika, kung saang ginagamit ang salitang "kabisera" upang matukoy ang luklukan o sentro ng pamahalaan. Ang kabisera ng Rusya ay isa ring entidad na hindi kinakapit ang salitang "sentrong pampangasiwaan". Umiiral ang isang kahalintulad na kaayusan sa Ukraine.

Switzerland

Ikinakapit ang salitang chef-lieu sa kabisera ng bawat canton ng Switzerland. Sa 16 sa 26 na mga canton, nahahati ang teritoryo sa mga distrito. Bawat distrito ay mayroon ding isang lungsod na hinirang bilang isang chef-lieu at bawat isa ay may isang prepekto (katumbas ng isang alkalde o gobernador).

Tunisya

Ang salitang chef-lieu ay ginamit upang italaga ang kabisera ng bawat gouvernorat (departamento). Bawat isa sa 24 na mga gouvernorat ay nahahati sa mga delegation (distrito), at bawat isa naman sa mga ito ay may isang punong lungsod bilang chef-lieu of delegation.

United Kingdom (Nagkakaisang Kaharian)

Sa Nagkakaisang Kaharian (UK) ito ay ang sentro ng isang lokal na awtoridad, na iba sa isang makasaysayang kondado na may bayang kondado (county town).

Remove ads

Tingnan din

  • Lokal na pamahalaan
  • Luklukan ng lokal na pamahalaan
  • Luklukan ng kondado (county seat), mga sentrong pampangasiwaan sa Estados Unidos
  • Bayang kondado (county town), mga sentrong pampangasiwaan sa Irlanda at Nagkakaisang Kaharian

Mga sanggunian

Remove ads

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads