Ang pangingiling pangseks o abstinensiyang seksuwal (Ingles: sexual abstinence) ay ang gawain ng pagpigil ng sarili mula sa ilan o lahat ng mga aspeto o anyo ng gawaing pampagtatalik dahil sa mga kadahilanang pampanggagamot, pangsikolohiya, pambatas, panlipunan, pampilosopiya, o panrelihiyon. Kabilang sa karaniwang mga dahilan ng pagsasagawa ng pangingiling seksuwal ang mga sumusunod:
- hindi mabuting kalusugan - selibasyang medikal, buhay na walang asawa o hindi pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang pampagtatalik dahil sa panggagamot;
- mga kadahilanang materyal upang maiwasan ang paglilihi - hindi ginustong pagbubuntis - o mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik;
- mga kadahilanang sikososyolohikal (halimbawa na ang depresyong klinikal, diperensiya ng pangangamba sa pakikipagkapwa, tumataas na testosterona sa kalalakihan, negatibong mga karanasan mula sa nakaraan);
- mga kaatasang pambatas na nangangailangan ng pag-alinsunod (kompormidad; kinabibilangan din ng mga kinakailangan para sa hindi nakabilanggong may-sala sa pakikipagtalik);
- mga dahilang pampangyayari na katulad ng inkarserasyon (pagkakapiit) o pagkakabukod (pagkakalayo) na pangheograpiya;
- pagtuon sa ibang mga bagay-bagay - sublimasyon (pagpapangingimbabaw);
- kawalan ng kakayanang makahanp ng isang naaangkop na katambal na pampagtatalik - selibasyang imboluntaryo o kawalan ng pakikipag-ugnayan na hindi kinukusa (hindi sinasadya);
- mga kadahilanang pampananampalataya o pampilosopiya; o,
- pagiging hindi handang pangkatawan o pangdamdamin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad, Sikolohiya at Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.