Ang ika-18 dantaon ay nagsimula noong Enero 1, 1701 hanggang Disyembre 31, 1800. Noong ika-18 dantaon, humantong ang mga elemento ng pag-iisip ng Pagkamulat sa mga rebolusyong Amerikano, Pranses, at Haitiyano. Sa panahong ito nakita ang marahas na kalakalan ng mga alipin at tao sa pandaidigang kalakihan. Ang reaksyon laban sa mga aristokratikong kapangyarihan ang tumulong sa pag-alab sa mga tugon sa pagrerebolusyon laban dito sa buong siglo.
Paminsan-minsang binibigyan kahulugan ng mga Kanluraning dalubhasa sa kasaysayan ang ika-18 dantaon dili kaya'y para sa layunin ng kanilang gawa. Halimbawa, maari ang depinisyon ng "maikling" ika-18 dantaon ay ang mga taon mula 1715 hanggang 1789, na ipinakikilala ang panahon sa pagitan ng kamatayan ni Louis XIV ng Pransya at ang simula ng Rebolusyong Pranses, kasama ang pagbibigay-diin sa mga kaganapang magkakaugnay.[1][2] Sa mga dalubhasa sa kasaysayan na pinalawig ang siglo na sinama ang mas malaking kilusang makasaysayan, ang "mahabang" ika-18 siglo[3] ay maaring tumakbo mula sa Maluwalhating Rebolusyon ng 1688 hanggang sa Labanan sa Waterloo noong 1815[4] o mas kalaunan pa.[5]
Mga dekada
Dekada 1700[A]
Kamatayan
- 1701: Setyembre 16 - James II ng Inglatera, Hari ng Inglatera, Eskoses at Irlanda (ipinanganak 1633)
Dekada 1710
Kapanganakan
- 1716: Enero 20 - Carlos III ng Espanya, Hari ng Espanya. (kamatayan 1788)
Kamatayan
- 1719: Abril 7 - Jean-Baptiste de La Salle, isang Pranses na guro at repormador pang-edukasyon (isinilang 1651)
Dekada 1740
Kapanganakan
- 1748: Nobyembre 11 - Carlos IV ng Espanya, Hari ng Espanya. (namatay 1819)
- 1749: Nobyembre 17 - Nicolas Appert, imbentor na Pranses (namatay 1841)
Dekada 1750
Kaganapan
- 1752: Mayo 10 – Sa Marly-la-Ville sa Pransya, matagumpay na isinagawa ng pisikong si Thomas-François Dalibard ang eksperimento sa saranggola na minungkahi ni Benjamin Franklin sa aklat na Franklin's Experiments and Observations on Electricity.[6]
- 1752: Hunyo – naiulat na isinagawa ni Benjamin Franklin ang tanyag na eksperimento sa saranggola na ginagaya ang mga eksperimento na nagpapakita na ang kidlat at elektrisidad ay magkapareho.
Kapanganakan
- 1755: Nobyembre 2 - Marie Antoinette, isang Reyna ng Pransiya at Arkidukesa ng Austrya. (namatay 1793)
- 1756: Enero 27 — Wolfgang Amadeus Mozart, kompositor. (namatay 1791)
Kamatayan
- 1750: Hulyo 28 – Johann Sebastian Bach, kompositor. (ipinanganak 1685)
Dekada 1760
Kapanganakan
- 1769: Agosto 15 - Napoleon I ng Pransya, emperador ng Pransya (namatay 1821)
Kamatayan
- 1763: Mayo 28 - Diego Silang, Ama ng Rebolusyonaryong Ilokos (ipinanganak 1730)
- 1763: Setyembre 20 - Gabriela Silang, unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. (ipinanganak 1731)
Dekada 1770
Kapanganakan
- 1770: Disyembre 16 — Ludwig van Beethoven, kompositor. (namatay 1827)
- 1777: Abril 30 - Karl Friedrich Gauss, isang Aleman na matematiko at siyentipiko (namatay 1855)
Kamatayan
- 1778: Mayo 30 - François-Marie Arouet na mas kilala sa kanyang pangalang pampanitikan na Voltaire, manunulat, tagapagsanaysay, at pilosopong Pranses (ipinanganak 1694)
Dekada 1780
Kaganapan
- 1781: Enero 17 – Digmaang Mapanghimagsik sa Amerika – Labanan ng Cowpens: Tinalo ng Amerikanong Hukbong Kontinental, sa ilalim ni Daniel Morgan, ang mga puwerang Briton sa Timog Carolina.[7]
- 1781: Marso 13 - Natuklasan ni William Herschel ang planetang Uranus.
- 1781: Setyembre 4 - Naitatag ang Los Angeles ng isang pangkat na kinabibilangan ng 44 na Kastila.
Kapanganakan
- 1788: Abril 2 - Francisco Balagtas, Pilipinong makata (namatay 1862)
Kamatayan
- 1788: Disyembre 14 - Carlos III ng Espanya, Hari ng Espanya. (ipinanganak 1716)
Dekada 1790
Kapanganakan
- 1795: Disyembre 4 - Thomas Carlyle, isang taga-Scotland na mananaysay, satiriko, at dalubhasa sa kasaysayan (namatay 1881)
Kamatayan
- 1791: Disyembre 5 — Wolfgang Amadeus Mozart, kompositor. (ipinanganak 1756)
- 1793: Oktubre 16 - Marie Antoinette, Reyna ng Pransiya at Arkidukesa ng Austrya (isinilang 1755)
- 1799: Disyembre 14 – George Washington, unang Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1732)
Mga pananda
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.