From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ika-18 dantaon (taon: AD 1701 – 1800), ay nagsimula noong Enero 1, 1701 hanggang Disyembre 31, 1800. Noong ika-18 dantaon, humantong ang mga elemento ng pag-iisip ng Pagkamulat sa mga rebolusyong Amerikano, Pranses, at Haitiyano. Sa panahong ito nakita ang marahas na kalakalan ng mga alipin at tao sa pandaidigang kalakihan. Ang reaksyon laban sa mga aristokratikong kapangyarihan ang tumulong sa pag-alab sa mga tugon sa pagrerebolusyon laban dito sa buong siglo.
Paminsan-minsang binibigyan kahulugan ng mga Kanluraning dalubhasa sa kasaysayan ang ika-18 dantaon dili kaya'y para sa layunin ng kanilang gawa. Halimbawa, maari ang depinisyon ng "maikling" ika-18 dantaon ay ang mga taon mula 1715 hanggang 1789, na ipinakikilala ang panahon sa pagitan ng kamatayan ni Louis XIV ng Pransya at ang simula ng Rebolusyong Pranses, kasama ang pagbibigay-diin sa mga kaganapang magkakaugnay.[1][2] Sa mga dalubhasa sa kasaysayan na pinalawig ang siglo na sinama ang mas malaking kilusang makasaysayan, ang "mahabang" ika-18 siglo[3] ay maaring tumakbo mula sa Maluwalhating Rebolusyon ng 1688 hanggang sa Labanan sa Waterloo noong 1815[4] o mas kalaunan pa.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.