Zuma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa karakter sa komiks ang artikulo na ito. Para sa ibang impormasyon, tingnan ang Zuma (paglilinaw).
Si Zuma ay isang karakter sa komiks mula sa Pilipinas na nilikha ni Jim Fernandez noong 1974. Unang lumabas ang karakater sa isang serye na sinulat ni Fernandez na pinamagatang Aztec. Mula 1976 hanggang 1985, nagkaroon ng sariling serye si Zuma na pinangalang Anak ni Zuma na nilathala sa Aliwan Komiks ng Graphics Arts Service Inc. sa panulat ni Fernandez at guhit ni Ben Maniclang. Pinakabenta ang serye ng komiks na ito para sa Aliwan. Kasunod ng tagumpay sa publikasyon, nailathala ang mga spin-off o mga kaugnay na serye at noong dekada 1990, ni-reboot o muling binuhay ang istorya ni Zuma at pinalawak pa ito sa ibang midya tulad ng pelikula at telebisyon.
Agarang impormasyon Impormasyon ng paglalathala, Tagapaglathala ...
Zuma | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | Graphics Arts Service Inc. |
Unang paglabas | Aztec (1974) |
Tagapaglikha | Jim Fernandez (karakter at kuwento) Ben Maniclang (guhit) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Espesye | Kalahating diyos |
Lugar ng pinagmulan | Gitna at Timog Amerika |
Kilalang alyas | Hari ng mga Ahas |
Kakayahan |
|
Isara