Yurihonjō
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Yurihonjō (由利本荘市 Yurihonjō-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Akita, Hapon. Magmula noong 31 Enero 2020[update] , may tinatayang populasyon na 76,077 katao ang lungsod sa 30,639 mga kabahayan,[1] at may densidad na 63 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 1,209.60 square kilometre (467.03 mi kuw).
Yurihonjō 由利本荘市 | |||
---|---|---|---|
Lungsod | |||
Gusaling Panlungsod ng Yurihonjō | |||
| |||
Kinaroroonan ng Yurihonjō sa Prepektura ng Akita | |||
Mga koordinado: 39°23′9.1″N 140°2′55.8″E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Akita | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,209.60 km2 (467.03 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Enero 2020) | |||
• Kabuuan | 76,077 | ||
• Kapal | 63/km2 (160/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
Puno | Zelkova serrata | ||
Bulaklak | Sakura | ||
Bilang pantawag | 0184-24-3321 | ||
Adres | 17 Ozaki Yurihonjō-shi, Akita-ken 015-8501 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Ang lugar ng kasalukuyang Yurihonjō ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Dewa na pinangibabaw ng angkang Mogami noong panahong Sengoku. Sa ilalim ng kasugunang Tokugawa, napunta ang bahagi ng lugar sa paghawak ng Dominyong Honjō, Dominyong Kameda at Dominyong Yashima, kalakip ang isang napakaliit na bahaging nasa tuwirang pamumuno ng kasugunan (tenryō). Pagkaraan ng pasimula ng panahong Meiji, naging bahagi ito ng Distrito ng Yuri, Prepektura ng Akita noong 1878, at binuo ang bayan ng Honjō kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong Marso 31, 1954.
Itinatag ang kasalukuyang lungsod ng Yurihonjō noong Marso 22, 2005, mula sa pagsasanib ng lungsod ng Honjō at mga bayan ng Chōkai, Higashiyuri, Iwaki, Nishime, Ōuchi, Yashima at Yuri (lahat mula sa Distrito ng Yuri). Kasunod nito, ang bagong lungsod ng Yurihonjō ay may 126 mga kinatawan sa bagong asambleang panlungsod nito, mas-marami sa kabuoan ng Tokyo.
Matatagpuan ang Yurihonjō sa timog-kanlurang sulok ng Prepektura ng Akita, at hinahangganan ito ng Dagat Hapon sa kanluran at Prepektura ng Yamagata sa timog. Pinakamalaking munisipalidad ito ng Prepektura ng Akita batay sa lawak ng lupa, na sumasaklaw sa humigit-kumulang ikasmpung bahagi ng teritoryo ng prepektura, o humigit-kumulang kalahati ng lawak ng Prepektura ng Kanagawa. Bahagi ng lungsod ay nasa mga hangganan ng Chōkai Quasi-National Park.[2]
Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] naabot ng Yurihonjō ang pinakamataas na populasyon nito noong dekada-1950, at bumababa na ito mula noon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1920 | 76,001 | — |
1930 | 84,681 | +11.4% |
1940 | 89,937 | +6.2% |
1950 | 109,672 | +21.9% |
1960 | 109,032 | −0.6% |
1970 | 95,428 | −12.5% |
1980 | 95,748 | +0.3% |
1990 | 95,489 | −0.3% |
2000 | 92,843 | −2.8% |
2010 | 85,230 | −8.2% |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.