Si Makhdoom Syed Yousaf Raza Gilani (Urdu: مخدوم سيد يوسف رضا گیلانى ) (kapanganakan: 9 Hunyo 1952) ay ang naging Punong Ministro ng Pakistan mula 2008 hanggang 2012.[2] Iniharap siya ng Pakistan Peoples Party, na may pagtangkilik ng mga kapanalig na koalisyong Pakistan Muslim League (N), Awami National Party, Jamiat Ulema-e-Islam (F) at Muttahida Qaumi Movement noong 22 Marso 2008.[3] Nanumpa siya sa tungkulin sa harap ni Pangulon ng Pakistan na si Pervez Musharraf noong Marso 25 2008.[4] Si Yousaf Raza Gllani ang pinakaunang nahalal na Punong Ministro ng Pakistan na nagmula sa mamamayang nagsasalita ng wikang Saraiki. Si Balakh Sher Mazari, isa pang politikong nagsasalita ng Saraiki, ang naglingkod sa loob ng maikling panahon bilang tagapangalagang punong ministro noong 1993.[5]
Yousaf Raza Gilani يوسف رضا گیلانى | |
---|---|
Punong Ministro ng Pakistan | |
Nasa puwesto 25 Marso 2008 – 19 Hunyo 2012 | |
Pangulo | Pervez Musharraf |
Nakaraang sinundan | Muhammad Mian Soomro |
Sinundan ni | Raja Pervez Ashraf |
Speaker of National Assembly | |
Nasa puwesto 17 Oktubre 1993 – 16 Pebrero 1997 | |
Nakaraang sinundan | Gohar Ayub Khan |
Sinundan ni | Elahi Bux Soomro |
Pangalawang Tagapangasiwa ng Pakistan Peoples Party | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 1998 Nagsisilbi kasama ni Makhdoom Amin Fahim | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Karachi, Pakistan | 9 Hunyo 1952
Partidong pampolitika | PPP |
Asawa | Elahi Gilani [1] |
Tahanan | Multan, Pakistan |
Si Gilani ang siya ring pangkasalukuyang pangalawang tagapangasiwa ng Pakistan Peoples Party, isang dating Speaker of the National Assembly of Pakistan (1993-1997) at dati ring ministrong pederal (1985-1986).
Mga talaugnayang panlabas
Mga talaugnayang panlabas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.