From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Digmaang Biyetnam ay ang labanan sa Biyetnam, Laos, at Kambodiya mula 1 Nobyembre 1955[A 1] hanggang sa pagbagsak ng Saigon noong 30 Abril 1975.[5] Ito ang ikalawa sa mga Digmaang Indotsina at opisyal na pinaglaban ng Hilagang Biyetnam at Timog Biyetnam. Sinuportahan ng Unyong Sobyet, Tsina,[8] at ibang mga estadong komunista ang hilaga, habang sinuportahan ang timog ng Estados Unidos at ibang alyado na kontra-komunista.[55][56] Malawak na tinuturing ang digmaan bilang ang pamalit na digmaan sa Digmaang Malamig.[57] Tumagal ito ng halos 20 taon, kasama ang direktang pagkakasangkot ng Estados Unidos, na natapos noong 1973. Umapaw ang damdamin ng labanan sa mga katabing bansa, na pinalubha ang Digmaang Sibil sa Laos at ang Digmaang Sibil sa Kambodya, na natapos sa pagiging opisyal na estadong komunista ng tatlong bansang yaon noong 1976.[58][59]
Vietnam War | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng mga Digmaang Indotsina at Digmaang Malamig sa Asya | |||||||||
| |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
|
| ||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
|
| ||||||||
Lakas | |||||||||
≈860,000 (1967) |
≈1,420,000 (1968)
| ||||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||||
Kabuuang namatay/nawawalang militar: |
333,620 (1960–1974) – 392,364 (kabuuan) Kabuuang nasugatang militar: ≈1,340,000+[11]: (kabilang ang FARK at FANK) Kabuuang nabihag na militar: ≈1,000,000+ | ||||||||
| |||||||||
Lumaban ang FULRO ng isang insurhensiya laban sa parehong Timog Biyetnam at Hilagang Biyetnam kasama ang Viet Cong at sinuportahan ng Kambodya sa karamihan ng digmaan. |
Sa pagkatalo ng Unyong Pranses sa Unang Digmaang Indotsina at ang pagtanggap nito sa pagtanggal ng militar mula sa Biyetnam alinsunod sa kasunduang Hinebra para sa kapayapaan sa Biyetnam na nagkaroon ng bisa noong Hulyo 23, 1954, nakamit ng bansa ang kalayaan mula sa Pransya subalit nahati sa dalawang lugar ng pagtitipong militar: ang Viet Minh na kinontrol ang Hilagang Biyetnam, habang kinontrol ng Estados Unidos ang suportang pananalapi at militar ang Timog Biyetnam.[60][A 8] Nagsimula ng digmaang gerilya sa timog ang Viet Cong (VC), isang prenteng karaniwan sa Timog Biyetnam na nasa ilalim ng direksyon ng hilaga. Sumagupa ang Hukbong Bayan ng Biyetnam, na kilala din bilang ang Hukbong Hilagang Biyetnam, sa maraming digmaang kumbensyunal sa Estados Unidos at sa Hukbo ng Republika ng Biyetnam. Nilusob ng Hilagang Biyetnam ang Laos noong 1958, na itinatag ang Landas ng Ho Chi Minh upang panustusan at palakasin ang VC.[61]:16 Pagdating ng 1963, nagpadala ang hilaga ng 40,000 sundalo upang labanan ang timog.[61]:16 Tumaas ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa ilalim ni Pangulong John F. Kennedy, mula sa isang mga tagapayong militar noong 1959 hanggang sa 23,000 noong 1964.[62][28]:131
Kasunod ng insidente sa Golpo ng Tonkin noong Agosto 1964, pinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang isang resolusyon na binibigyan ang Pangulong Lyndon B. Johnson ng malawak na awtoridad na dagdagan ang presensyang militar ng Estados Unidos sa Biyetnam, na walang pormal na pagpapahayag ng digmaan. Iniutos ni Johnson ang pagpapalawak ng mga yunit na lumalaban sa unang pagkakataon, at kapansin-pansing tumaas ang tropang Amerikano sa 184,000.[62] Umasa ang puwersang Estados Unidos at Timog Biyetnames sa superyoridad sa himpapawid at napakalaking kapangyarihang-armas upang isagawa ang mga operasyong hanapin at wasakin, na kinakasangkutan ng puwersa sa lupain, artilerya, at mga pagsalakay mula sa himpapawid. Nagsagawa din ang Estados Unidos ng malakihang kampanyang pagbombang estratehiko laban sa Hilagang Biyetnam,[28]:371–374[63] at pinagpatuloy ang mahalagang pagtataguyod ng mga puwersa nito, sa kabila ng maliit na progreso na ginawa. Noong 1968, inilunsad ng mga puwesang Timog Biyetnames ang Opensibang Tet; bagaman, natalo ang militar nila dito, naging isa itong tagumpay pampolitika, dahil nagdulot ito ng paghina ng suportang domestiko ng Estados Unidos sa digmaan.[28]:481 Sa katapusan ng taon, nakuha ng VC ang maliit na teritoryo at iniwan ng Hukbong Bayan ng Biyetnam.[64] Noong 1969, nagdeklera ang Hilagang Biyetnam ng Pansamantalang Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Republika ng Timog Biyetnam. Tumawid ang mga operasyon sa mga pambansang hangganan, at binomba ng Estados Unidos ang mga ruta ng panustos sa Laos at Kambodya. Nagresulta ang pagpapatalsik ng monarko ng Kambodya, si Norodom Sihanouk, sa pagsalakay ng Hukbong Bayan ng Biyetnam sa bansa (sa hiling Khmer Rohos), at ang noo'y kontra-salakay ng Estados Unidos-Hukbo ng Republika ng Biyetnam, na pinataas ang Digmaang Sibil ng Kambodya. Pagkatapos ng mahalal ni Richard Nixon noong 1969, nagsimula ang polisiyang "Biyetnamisasyon", na nakita ang labanan sa isang pinalawak na Hukbo ng Republika ng Biyetnam, habang tinanggal ang mga puwersang Estados Unidos noong maagang bahagi ng 1972, at nalimitahan ang kanilang operasyon sa suporta sa himpapawid, suporta sa artilerya, mga tagapayo, at pagpadala ng mga materiel. Nakita ng mga Kasunduang Paris para sa Kapayapaan noong Enero 1973 ang pagtanggal ng lahat ng puwersa ng Estados Unidos;[65]:457 nasira ang kasunduan ng halos kaagad-agad, nagpatuloy ang labanan ng hanggang dalawa pang taon. Bumagsak ang Phnom Penh sa Khmer Rohos noong Abril 17, 1975, habang nakita ng opensibang tagsibol ng 1975 ng Pagbagsak ng Saigon sa Hukbong Bayan ng Biyetnam noong Abril 30, na minarkahan ang katapusan ng digmaan; muling pinagkaisa ang Hilaga at Timog Biyetnam noong Hulyo 2 ng sumunod na taon.
Siningil ng digmaan ang napakalaking halaga ng pagkasawi ng mga tao: tinatayang ang bilang ng mga namatay na mga sundalong Biyetnames at sibilyan ay mula sa 966,000[21] hanggang 3 milyon.[51] Namatay din sa labanan ang 275,000–310,000 Kamboyano,[52][53][54] 20,000–62,000 taga-Laos,[51] at 58,220 kasapi ng serbisyong Estados Unidos.[A 7] Kaagad nagdulot ang katapusan ng Digmaang Biyetnam ng krisis repuhiyado (refugee) sa mga taong bangkang Biyetnames at mas malaking Indotsina, na nakita ang mga milyong repuhiyado na umalis sa Indotsina, na tinatayang 250,000 sa kanila ang nasawi sa dagat. Nang nasa kapangyarihan, nagsagawa ang Khmer Rohos ng henosodyo ng mga Kamboyano, habang tumaas sa kalaunan ang labanan sa pagitan nila at ng pinag-isang Biyetnam sa Digmaang Kamboyano–Biyetnames, na pinabagsak ang pamahalaang Khmer Rohos noong 1979. Bilang tugon, sinalakay ng Tsina ang Biyetnam na sinundan ng mga labanan sa teritoryo na tumagal hanggang 1991. Sa loob ng Estados Undios, nagdulot ang digmaan sa pag-usbong ng tinatawag na Sindromeng Biyetnam (Vietnam Syndrome), isang pag-ayaw ng publiko sa mga pag-sangkot ng Amerikanong militar sa ibayong-dagat,[66] na, kasama ng iskandalo sa Watergate ay nag-ambag sa krisis ng kumpiyansa na nakaapekto sa Amerika sa buong dekada 1970.[67]
Sinira ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos ang 20% ng gubat ng Timog Biyetnam at 20–50% ng mga kagubatang bakawan sa pagdilig ng 20 milyong galon ng nakakalasong pamatay-halaman (mga defoliant) kabilang ang Agent Orange (o Ahenteng Naranha).[68][69][70] Ang digmaan ay isa sa pinakakaraniwang ginagamit na halimbawa ng ekosidiyo.[68][71][72]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.