Unibersidad ng Burundi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Burundi (Ingles: University of Burundi) ay matatagpuan sa Bujumbura, Burundi. Ito ay ang tanging pampublikong unibersidad sa Burundi. Karamihan ng mga pasilidad nito ay nasasailalim sa patuloy na pagkasira dahil sa digmaang sibil. Sa pagsisimula ng unibersidad, ito ay pinamahalaan ng Simbahang Romano Katoliko. Ang kabuuang pagpapatala ng unibersidad ay humigit-kumulang 13,000.