![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/11/Bologna-vista02.jpg/640px-Bologna-vista02.jpg&w=640&q=50)
Unibersidad ng Bolonia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Bologna (Ingles: University of Bologna, Italyano: Università di Bologna, UNIBO), na itinatag noon pang AD 1088, ay ang pinakamatandang unibersidad na may tuloy-tuloy na operasyon sa buong mundo,[1] at kinikilala bilang isa sa mga nangungunang akademikong institusyon sa Italya at Europa[2]. Ito ay madalas na nararanggo bilang nangungunang pamantasang Italyano.[3][4]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/11/Bologna-vista02.jpg/640px-Bologna-vista02.jpg)
Ito ang kauna-unahang lugar ng pag-aaral na gumamit ng terminong Latin na universitas para tukuyin ang korporasyon ng mga mag-aaral at "master", na sa lumaon ay ginamit na depinisyon sa institusyong ito na matatagpuan sa lungsod ng Bologna, Italya.[5] Ang sagisag ng Unibersidad ay merong motto na Alma mater studiorum at ng petsang A.D. 1088, at ito ay merong humigit-kumulang 85,500 mag-aaral sa 11 paaralan nito.[6] Ito ay may mga kampus din sa mga lungsod ng Ravenna, Forlì, Cesena at Rimini at isang branch center sa ibang bansa gaya sa Buenos Aires.[7] Ito rin ay may isang paaralan ng kahusayan (school of excellence) na may pangalang Collegio Superiore di Bologna. Ang kawaksing pabliser ng Unibersidad ng Bologna ang Bononia University Press S.p.A. (BUP).