![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/40/US_Navy_040501-N-1336S-037_The_U.S._Navy_sponsored_Chevy_Monte_Carlo_NASCAR_leads_a_pack_into_turn_four_at_California_Speedway.jpg/640px-US_Navy_040501-N-1336S-037_The_U.S._Navy_sponsored_Chevy_Monte_Carlo_NASCAR_leads_a_pack_into_turn_four_at_California_Speedway.jpg&w=640&q=50)
Tulin
Kantidad na bektor / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tulin (Ingles: velocity) o belosidad (mula Kastila: velocidad) ng isang bagay ay ang dalas ng pagbabago (Ingles: rate of change) ng posisyon nito, na sinusukat mula sa isang sinasangguning punto (Ingles: frame of reference). Sa matematika, isa itong bunin ng panahon (Ingles: function of time). Di tulad ng bilis (Ingles: speed) na isang eskalar na kantidad (Ingles: scalar quantity), ang tulin ay isang bektor (Ingles: vector); ibig sabihin, may direksyon rin ito bukod sa kalakhan (Ingles: magnitude) o halaga. Ito ay isinusulat o nirerepresenta bilang: o
. Mahalaga at parating ginagamit ang tulin sa kinematika (Ingles: Kinematics), isang sangay ng klasikong mekaniks (Ingles: Classical Mechanics) na tumutukoy sa paggalaw ng mga bagay.
Tulin | |
---|---|
![]() Habang ang pagbabago ng direksyon ay nangyayari habang ang mga karera ng kotse ay bumubukas sa curved track, ang kanilang tulin ay hindi pare-pareho. | |
Mga kadalasang simbulo | v, v, v→, v |
Ibang yunit | mph, ft/s |
Sa Batayang yunit SI | m/s |
Dimensiyon | L T−1 |
Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay, umaarangkada (Ingles: accelerating) ito.