From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Marco Ulpio Trajano (Latin: Marcus Ulpius Nerva Traianus) na kilala bilang Trajano (Setyembre 18, 53 – Agosto 9, 117), ay ang emperador ng Roma na naghari mula 98 hanggang sa kanyang kamatayan noong 117. Idineklara ng Senadong Romano bilang ''optimus princeps'' ("ang pinakamagaling na pinuno"), si Trajan ay kilala bilang isang matagumpay na sundalo-emperador na nagpalawak sa sakop ng Imperyong Romano, anupat naabot ng imperyo ang pinakamalayong hangganan nito sa panahon ng kamatayan ni Trajan. Kilala din siya sa kanyang pilantropong pamamahala, na nagpasinaya sa pagpapatayo ng maraming pampublikong gusali at mga programa para sa kapakanang pampubliko, na nagbigay sa kanya ng pangalan bilang pangalawa sa Limang Mabubuting Emperador na namahala sa panahon ng kapayapaan at kasaganaan sa Dagat Mediterraneo.
Trajano | |
---|---|
Ikalabingtatlong Emperador ng Imperyo Romano | |
Paghahari | 28 Enero 98 CE – 9 Agosto 117 CE |
Buong pangalan | Marcus Ulpius Traianus (mula kapanganakan hanggang sa pag-ampon); Caesar Marcus Ulpius Nerva Traianus (mula pag-ampon hanggang sa pag-akyat sa trono); Imperator Caesar Divi Nervae filius Nerva Traianus Optimus Augustus Germanicus Dacicus Parthicus (bilang emperador) |
Kapanganakan | 18 Setyembre 53 |
Lugar ng kapanganakan | Italica, sinaunang Hispania |
Kamatayan | 9 Agosto 117 63) | (edad
Lugar ng kamatayan | Selinus, Cilicia |
Pinaglibingan | Roma (mga abo sa paanan ng Kolumn ni Trajan, wala na ngayon) |
Sinundan | Nerva |
Kahalili | Hadrian |
Asawa | Pompeia Plotina |
Supling | Hadrian (ampon) |
Dinastiya | Nervan-Antonine |
Ama | Marcus Ulpius Traianus |
Ina | Marcia |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.