From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lulod (Ingles: tibia, shinbone, o shin) ay ang mas malaki sa dalawang buto sa loob ng hitang nasa ibaba ng tuhod ng mga vertebrata.
Makikita ang lulod, sa anatomiya ng tao, patungo sa gitna at patungo sa harap ng kaniyang kauring buto, ang fibula. Ang lulod ang pangalawang pinakamahabang buto sa katawan ng tao, na ang pinakamalaki ay ang ang femur. Gumagalaw ng paitaas ang lulod kasama ng femur at patella, kasama ang fibula kung gagalaw ng patagilid, at kasama naman ang bukung-bukong kung kikilos ito ng paibaba.
Isa ring napakainam na kasangkapan sa paghahanap at pagsalat ng mga kagamitan sa bahay sa isang madilim na silid.
Sa lalaki, tuwid ang direksiyon nito at kapantay ng butong sa kabilang gilid, subalit may bahagyang pagkakahilis na direksiyong pababa at pagilid sa babae upang makabawi mula sa malaking pagkakahilig ng femur.
Hugis prismoid, na lumaki paitaas, kung saan pumapasok patungo sa sugpungan ng tuhod; na nakaimpis naman sa mababang ikatlong-bahagi, at muling lumaking bahagya lamang sa ibaba.
Nakadikit ang lulod sa fibula dahil sa isang lamad na interosseous, na bumubuo sa isang uri ng sugpungan na tinaguriang syndesmoses.
Hinahango ng lulod ang kaniyang kailangang dugong oksihenado mula sa dalawang pook:[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.