Teodosio I
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Flavio Teodosio (11 Enero 347 – 17 Enero 395), o Teodosio I at Dakilang Teodosio (Latin: Flavius Theodosius) ay ang emperador ng Roma mula 379-395. Dahil sa kanyang pinag-isa ang Silangan at Kanlurang bahagi ng Imperyo Romano, siya ang pinakahuling emperador ng Silangan at Kanlurang Imperyo Romano. Pagkalipas ng kanyang kamatayan, ang 2 bahagi ng Imperyo Romano ay tuluyan nang nagkahiwalay. Si Theodosius din ang emperador na gumawa sa relihiyonng Kristiyanismong Niseno bilang opisyal na relihiyong estado ng imperyo. Siya ay kinikilalang santo sa Silangang Ortodokso bilang San Theodosius. Kanyang tinalo ang mga mang-aagaw ng tronong si Magnus Maximus at Eugenis at nagtaguyod ng pagwasak ng mga kilalang templong pagano: ang Serapeum sa Alexandria, ang Templo ni Apollo sa Delphi at ang Mga birheng bestal sa Roma. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang mga anak na sina Arcadius at Honorius ay respektibong nagmana ng mga kalahating Silangan at Kanluran ng imperyo at ang Imperyo Romano ay hindi na kailanman muling nagkaisa. Noong 393 CE, kanyang ipinagbawal ang palarong Olimpiko sa Sinaunang Gresya. Ang Olimpiko ay idinaos lang muli noong 1896.
Teodosio I | |
---|---|
Ika-67 Emperador ng Imperyo Romano | |
Paghahari | 19 Enero 379 – 15 Mayo 392 (emperador sa Silangang Imperyo Romano); 15 Mayo 392 – 17 Enero 395 (buong imperyo) |
Buong pangalan | Flavius Theodosius (mula kapanganakan hanggang sa pag-akyat sa trono); Flavius Theodosius Augustus (bilang emperador) |
Kapanganakan | 11 Enero 347(347-01-11) |
Lugar ng kapanganakan | Cauca, o Italica, malapit sa Seville, modernong Espanya |
Kamatayan | (395-01-17)17 Enero 395 (aged 48) |
Lugar ng kamatayan | Mediolanum |
Pinaglibingan | Constantinople, kasalukuyang Istanbul |
Sinundan | Valens sa Silangang Imperyo Romano Gratian sa Kanlurang Imperyo Romano Valentinian II |
Kahalili | Arcadius sa Silangang Imperyo Romano ; Honorius sa Kanlurang Imperyo Romano |
Konsorte kay | 1. Aelia Flaccilla (?-385) 2. Galla (?-394) |
Supling | Arcadius Honorius Pulcheria Galla Placidia |
Dinastiya | Theodosian |
Ama | Matandang Theodosius |
Ina | Thermantia |
Mga paniniwalang relihiyoso | Kristiyanismong Niseno |