From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Teleskopyong Pangkalawakan na James Webb, James Webb Space Telescope (JWST) ay isang teleskopyong pangkalawakan na pangunahing dinesenyo upang magsagawa ng astronomiyang imprared. Ito ang pinakamakangyarihang teleskopyong inilunsad sa kalawakan at malaking nagpabuti ng resolusyong imprared at sensitibidad upang matanaw angmga bagay sa kalawakan na nakatanda at nakalayo o napakalabo para sa teleskopyong pangkalawakan na Hubble. Ito ay inaasahang mag-imbestiga sa malawakang saklaw sa mga larangan ng astronomiya at kosmolohiya gaya ng mga obserbasyon ng Bituin Populasyon III(mga unang bituin) at pagkakabuo ng mga unang galaksiya at para sa mga detalyadong paglalarawan ngmga exoplaneta. Ang JWST ay inilunsad noong Disyembre 2021 sa isang rocket ng European Space Agency (ESA) na Ariane 5 mula Kourou, French Guiana at pumasok sa orbito noong Enero 2022. Noong Magmula noong Hulyo 2022[update] , ang JWST ay nilalayong papalita sa Hubbl.e bilang ang misyong pangunahin ng Nasa sa astropisika. Inilabas ng NASA ang kauna-unahang litrato ng kalaliman ng Uniberso na nalitratuhan ng JWST noong Hulyo 11, 2022.[9]
Mga pangalan | Next Generation Space Telescope (NGST; 1996–2002) |
---|---|
Uri ng Misyon | Astronomy |
Operator | STScI (NASA)[1] |
COSPAR ID | Padron:Cospar |
SATCAT no. | 50463[2] |
Website | Padron:Oweb |
Tagal ng misyon | |
Spacecraft properties | |
Gumawa |
|
Masa sa paglunsad | 6,161.4 kg (13,584 lb)[5] |
Mga Dimensiyon | 20.197 m × 14.162 m (66.26 tal × 46.46 tal), sunshield |
Lakas ng kuryente | 2 kW |
Start of mission | |
Petsa ng paglunsad | 25 Disyembre 2021UTC | , 12:20
Rocket | Ariane 5 ECA (VA256) |
Lugar ng paglunsad | Centre Spatial Guyanais, ELA-3 |
Contractor | Arianespace |
Pumasok sa serbisyo | 12 July 2022 (planned) |
Orbital parameters | |
Reference system | Sun–Earth L2 orbit |
Regime | Halo orbit |
Periapsis altitude | 250,000 km (160,000 mi)[6] |
Apoapsis altitude | 832,000 km (517,000 mi)[6] |
Period | 6 months |
Main telescope | |
Type | Korsch telescope |
Diameter | 6.5 m (21 tal) |
Focal length | 131.4 m (431 tal) |
Focal ratio | Padron:F/ |
Collecting area | 25.4 m2 (273 pi kuw)[7] |
Wavelengths | 0.6–28.3 μm (orange to mid-infrared) |
Transponders | |
Band |
|
Bandwidth |
|
Instruments | |
| |
Elements | |
| |
James Webb Space Telescope mission logo |
Ang NASA ay nanguna sa pagkakalikha nito kasama ng ESA at Canadian Space Agency (CSA). Ito ay ipinangalan kay James E. Webb na administrador ng NASA mula 1961-1968 noong mga Programang Mercury, Proyektong Gemini at mga Programang Apollo. Ang pangunahing salamin ng JWST ay binubuo ng 18 hexagonal na segmenong salaming gawa sa pinlatuhang gintong beryllium na may 6.5-metro (21 tal) diametrong salamat. Ito ay nagbibigay sa JWST ng isang lawak na 25 metrong kuwadradong nagtitipon ng liwanag na mga 6 na beses ng Hubble. Hindi tulad ng Hubble na nagmamasid sa malapit sa ultrabiyoleta, spektrumang makikita at malapit sa imprared na (0.1–1.7 μm) spectra, ang JWST ay magmamasid sa mas mababawang prekwensiyang saklaw sa ilalim ng 50 K (−223 °C; −370 °F) upang pagmasdan ang mga mahihinang signal sa spectrum na imprared nang walang interperensiya ng ibang mga sanhi ng enerhiyang thermal. Ito aay ginamit sa isang orbitong pang-araw malapit sa puntong Lagrange na Araw-Mundo na L 2 Lagrange point mga 1.5 milyon kilometro (930,000 mi) mula sa mundo kung saan ang limang patong na hugis saranggolang takip pang-araw na pumoprotekta rito sa pag-iinit mula sa buwan, araw at mundo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.