Talaan ng mga lungsod sa Asya ayon sa populasyon sa loob ng mga hangganan ng lungsod
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ito ay isang talaan ng mga pinakamalaking lungsod sa Asya na nakaranggo ayon sa populasyon sa loob ng kanilang mga hangganan ng lungsod. Tinatalakay lamang nito ang mga pook sa loob ng mga hangganang pampangasiwaan ng mga lungsod (mga munisipalidad), kompara sa mga pook na urbano o kalakhang pook, na karaniwan ay mas-malaki sa mismong lungsod ayon sa populasyon.
Kasama sa talaang ito ang mga lungsod na matatagpuan sa Asya batay sa heograpiya, gamit ang pangkaraniwang depinisyon ng mga hangganan nito.