Mga Tagalog
isang liping Austronesyo na katutubo sa Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Tagalog[1] (Baybayin: ᜆᜄᜎᜓ) ay isa sa mga pinakamalaking kauriang panlahi at wika sa Pilipinas at ang may pinakamalawak na paglawig sa bansa. Sila ang nangingibabaw na pangkat sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. May marami ring bilang ng mga Tagalog sa Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, Mindoro Oriental, Palawan, at Kalakhang Maynila.
Agarang impormasyon Kabuuang populasyon, Wika ...
Kabuuang populasyon | |
---|---|
Umaabot sa 30 milyon | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Pilipinas, Palau, Estados Unidos (Guam, Hawaii), Canada, at iba pang mga bansa | |
Wika | |
Tagalog (kilala rin sa isang pamantayan nitong tinatawag na Filipino), Inglés, Kastila | |
Relihiyon | |
Katolisismo sa karamihan. Sumunod ang Protestantismo, Budismo, Islam, at mga katutubong paniniwala. | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Iba pang mga mamamayang Pilipino |
Isara