Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Fernando Magallanes sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo. Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas. Naging laganap ang sosyal at pampolitika na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu.
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951– Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
Maraming mga organisasyon sa buong mundo ang nakaranas ng pagkagambala sa serbisyo dahil sa may depektong pagbabago ng CrowdStrike na nagresulta sa mga blue screen of death sa mga kompyuter na may Microsoft Windows.
... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?