From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tigre ng Sumatra ay isang populasyon ng Panthera tigris sondaica sa pulo ng Sumatra sa Indonesia.[1][2] Ito lamang ang nanatiling populasyon ng tigre sa Kapuluang Sunda, kung saan nalipol na ang mga tigre sa Bali at Java.[3]
Panthera tigris sondaica | |
---|---|
Tigre ng Sumatra sa Tierpark Berlin | |
Scientific classification | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Carnivora |
Suborden: | Feliformia |
Pamilya: | Felidae |
Sari: | Panthera |
Espesye: | P. tigris |
Subespesye: | P. t. sondaica |
Trionomial name | |
Panthera tigris sondaica | |
Distribusyon ng tigre ng Sumatra |
Ang mga sekuwensya ng DNA mula sa heneng mitokondriyal ng 34 na tigre ay sinusuporta ang hipotesis na diagnostikong naiiba ang tigre ng Sumatra mula sa subespesyeng nasa pangunahing lupain.[4]
Ag Felis tigris sondaicus ay ang pangalang siyentipiko na minungkahi ni Coenraad Jacob Temminck noong 1844 para sa isang ispesimen ng tigre mula sa Java.[5]
Minungkahi ang pangalang Panthera tigris sumatrae ni Reginald Innes Pocock noong 1929, na sinalarawan ang isang balat at isang bungo ng isang soolohikal na ispesimen ng tigre mula sa Sumatra.[6] Walang mahalagang pakakaiba ang bungo at ang huwaran ng balahibo sa mga ispesimen ng tigre mula sa Java at Sumatra.[7] Samakatuwid, tinuturing ang P. t. sondaica bilang ang balidong pangalan ng nabubuhay o nalipol na mga populasyon ng tigre sa Indonesia.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.