From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Wardell Stephen "Steph" Curry II (ipinanganak noong 14 Marso 1988) ay isang Amerikanong propesyunal na manlalaro ng basketbol sa koponang Golden State Warriors ng Kapisanan ng Pambansang Basketbol o National Basketball Association (NBA). Itinuturing siya ng iba bilang pinakamahusay na mambubuslo (shooter) sa kasaysayan ng NBA. Natamo ni Curry ang parangal bilang Pinakamakabuluhang Manlalaro o Most Valuable Player (MVP) ng NBA noong taong 2015, at tatlong ulit din siyang naging NBA All-Star.
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
No. 30 – Golden State Warriors | ||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Position | Point guard | |||||||||||||||||
League | NBA | |||||||||||||||||
Personal information | ||||||||||||||||||
Born | Akron, Ohio | 14 Marso 1988|||||||||||||||||
Nationality | Amerikano | |||||||||||||||||
Listed height | 6 tal 3 pul (1.91 m) | |||||||||||||||||
Listed weight | 190 lb (86 kg) | |||||||||||||||||
Career information | ||||||||||||||||||
High school | Charlotte Christian (Charlotte, North Carolina) | |||||||||||||||||
College | Davidson (2006–2009) | |||||||||||||||||
NBA draft | 2009 / Round: 1 / Pick: ika-7 overall | |||||||||||||||||
Selected by the Golden State Warriors | ||||||||||||||||||
Playing career | 2009–kasalukuyan | |||||||||||||||||
Career history | ||||||||||||||||||
2009–kasalukuyan | Golden State Warriors | |||||||||||||||||
Career highlights and awards | ||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||
Stats at NBA.com | ||||||||||||||||||
Stats at Basketball-Reference.com | ||||||||||||||||||
Medals
|
Si Curry ay anak ng dating manlalaro ng NBA na si Dell at nakatatandang kapatid ng kasalukuyang manlalarong si Seth. Naglaro siya sa pangkolehiyong basketbol para sa koponang Davidson. Doon, hinirang siyang Manlalaro ng Taon sa Katimugang Kumperensiya (Southern Conference Player of the Year) nang dalawang beses, at bumura ng mga rekord ng iskor para sa Davidson at sa Katimugang Kumperensiya. Noong kanyang ikalawang taon, nagtala rin siya ng rekord sa NCAA para sa mga nagawang tatlong-puntos na pagbuslo (three-pointers shot).
Napili si Curry bilang ikapitong bagong manlalaro sa 2009 NBA draft ng Golden State Warriors. Noong kapanahunang 2012–13, nagtakda siya ng rekord sa NBA para sa mga tatluhang-puntos niyang nagawa sa isang regular na kapanahunan, na may bilang na 272. Nang sumunod na taon, sina Curry at ang kanyang kasama sa koponang si Klay Thompson ay binigyang-palayaw bilang "Splash Brothers" habang patungo sa pagtatala ng rekord sa NBA para sa pinagsamang tatluhang-puntos sa isang kapanahunan, na may bilang na 484. Noong 2014-15, binasag ni Curry ang sarili niyang rekord para sa pagkakaroon ng tatluhang-puntos na nagawa sa isang regular na kapanahunan, sa bilang na 286. Nang taon ding iyon, pinangunahan niya ang Warriors tungo sa kanilang unang kampeonato sa NBA mula noong 1975.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.