Siargao
pulo sa Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Siargao ay isang pulo na hugis-patak sa Dagat Pilipinas na matatagpuan 196 kilometro timog-silangan ng Tacloban. Ang area ng lupa nito ay humigit-kumulang 437 square kilometro (169 mi kuw). Ang baybayin nito sa silangan ay medyo tuwid na may isang malalim na ilug-ilugan, Daungang Pilar. Ang baybay-dagat ay minamarkahan ng magkakasunod na bahura, malilit na tangway at mapuputing buhanginan.
Heograpiya | |
---|---|
Mga koordinado | 9°54′18″N 126°4′0″E |
Katabing anyong tubig | Dagat Pilipinas |
Sukat | 437 km2 (168.7 mi kuw) |
Pinakamataas na elebasyon | 518 tal (157.9 m) |
Pinakamataas na punto | Bundok Baliuko |
Pamamahala | |
Rehiyon | Caraga |
Lalawigan | Surigao del Norte |
Munisipalidad | |
Demograpiya | |
Populasyon | 94,273 (2015) |
Ang mga kalapit na isla ay may magkakatulad na anyong lupa. Kilala ang Siargao bilang kabisera ng pagsusurp sa Pilipinas, at binoto bilang Best Island in Asia (Pinakamagandang Isla sa Asya) sa 2021 Conde Nast Travelers Readers awards.
Ang pulo ay nasa hurisdiksyon ng lalawigan ng Surigao del Norte, at binubuo ng mga munisipalidad ng Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, San Benito, Pilar, San Isidro, at Santa Monica.