Mga Eskito
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Eskito (Ingles: mga Scythian o mga Scyth; Griyego: Σκύθης, Σκύθοι) ay mga sinaunang taong Irani na pagala-gala o nomadikong mga pastol, na naglakbay upang makalipat mula sa Gitnang Asya papunta sa timog Rusya noong ika-8 at ika-7 mga daang taon BK,[1][2] na namayani sa malawak na kapatagang madamo ng Pontiko at Kaspyano noong kapanahunan ng kabuoan ng Klasikong Sinaunang Panahon. Dating kilala ang madamong kapatagang ito bilang Eskita o Scythia sa wikang Ingles. Pagsapit ng Huling Sinaunang Panahon, ang napakakalapit na mga Sarmatyano ang namayani sa mga Eskita sa lugar na ito. Karamihan sa mga nakaligtas na mga kabatiran ukol sa mga Eskita ang nagmula kay Herodotus, isang Griyegong manunulat ng kasaysayan (sirka 440 BK), mula sa kanyang Mga Kasaysayan, at sa natagpuan ng mga arkeologo na maganda ang pagkakayaring bagay na yari sa ginto sa isang mga kurgang Eskito o mga "buntong libingan" sa Ukranya at Katimugang Rusya.
Ginamit din ang pangalang "Eskito" upang tukuyin ang samu't saring mga taong nakikita bilang katulad ng tunay na mga Eskito, o iyung mga nanirahan sa alin mang pook sa malawak na lugar na sumasakop sa pangkasalukuyang Ukranya, Rusya, at Gitnang Asya. Noong panahong midyibal, nakikilala ang Gitnang Asya bilang Eskita.[3] Noong 2,000 mga taon na ang nakalilipas, nanirahan ang tribong Eskito sa Eskita, ang katimugang bahagi na nakilala kamakailan lamang bilang ang Unyong Sobyet.[4]