Ang wikang Ruso (ruрусский язык , transliterasyon: russkiy yazyk, IPA: [ˈruskʲɪj jɪˈzɨk]) ay isang Silangang Slavikong wika at isang opisyal na wika sa Rusya, Belarus, Kazakhstan, at Kyrgyzstan. Ito ay ginagamit nang madalas nga bansang naging dating kasapi ng Unyong Sobyet, katulad ng Ukraine at Moldova. Ito ay kabilang sa pamilya ng Mga Wikang Indo-Europeo. Ito ang pinakamalawak ang gamit na wika sa Eurasia, kung pagbabatayan ang lawak ng mga lupain kung saan ito ay ginagamit. Ito ang ikawalo sa pinakagamit na wika sa buong mundo, na may 144 milyong gumagamit nito sa Rusya, Ukraine, at Belarus bilang unang wika. Ito rin ang isa sa anim na opisyal na wika ng Mga Nagkakaisang Bansa.
Ruso | |
---|---|
русский язык russkiy yazyk | |
Bigkas | [ˈruskʲɪj] |
Katutubo sa | basahin sa artikulo |
Mga natibong tagapagsalita | pangunahing wika: mga 164 milyon pangalawang wika: 114 milyon (2006)[1] |
Indo-Europyano
| |
Siriliko (Alpabetong Ruso) | |
Opisyal na katayuan | |
Abkhazia (Georgia) Belarus Commonwealth of Independent States (working) Crimea (de facto; Ukraine) Gagauzia (Moldova) Ahensiya ng Internasyunal na Atomikong Enerhiya Kazakhstan Kyrgyzstan Russia South Ossetia (Georgia) Transnistria (Moldoba) United Nations | |
Pinapamahalaan ng | Instituto ng Wikang Ruso[2] sa Rusong Akademya ng mga Agham |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | ru |
ISO 639-2 | rus |
ISO 639-3 | rus |
Mga bansa sa mundo kung saan sinasalita ang wikang Ruso |
Alpabeto
Ang wikang Ruso ay sinusulat gamit ang isang uri ng Alpabeting Siriliko na mayroong 33 letra.
А /a/ | Б /b/ | В /v/ | Г /ɡ/ | Д /d/ | Е /je/ | Ё /jo/ | Ж /ʐ/ | З /z/ | И /i/ | Й /j/ |
К /k/ | Л /l/ | М /m/ | Н /n/ | О /o/ | П /p/ | Р /r/ | С /s/ | Т /t/ | У /u/ | Ф /f/ |
Х /x/ | Ц /ts/ | Ч /tɕ/ | Ш /ʂ/ | Щ /ɕː/ | Ъ /-/ | Ы /ɨ/ | Ь /ʲ/ | Э /e/ | Ю /ju/ | Я /ja/ |
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.