Ratisbona
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ratisbona o Regensburg (Pagbigkas sa Aleman: [ˈʁeːɡŋ̍sbʊɐ̯k] ( pakinggan); Latin: Castra-Regina, Ingles: Ratisbon) ay isang lungsod sa timog-silangang Alemanya, matatagpuan sa pagsapi ng mga ilog Danubio, Naab at Regen. Dahil mahigit 140,000 ang nakatira rito, ang Regensburg ang ika-apat na pinakamalaking lungsod sa Estado ng Baviera, sunod sa Munich, Nuremberg at Augsburg. Ang lungsod ay ang sentrong politikal, ekonomikal, at kultural ng Silangang Baviera at ang kabisera ng Bavierang rehiyong administratibong, Palatinadong Itaas (Ingles: Upper Palatinate, Aleman: Oberpfalz).
Regensburg | |||
---|---|---|---|
big city, major regional center, compact city, college town, urban municipality in Germany, urban district of Bavaria, district capital | |||
| |||
Mga koordinado: 49°01′N 12°05′E | |||
Bansa | Alemanya | ||
Lokasyon | Upper Palatinate, Baviera, Alemanya | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 80.85 km2 (31.22 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (31 Disyembre 2022) | |||
• Kabuuan | 157,443 | ||
• Kapal | 1,900/km2 (5,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Plaka ng sasakyan | R | ||
Websayt | https://www.regensburg.de/ |
Ang pang-gitnang kapanahunang sentro ng lungsod ay isang UNESCO World Heritage Site, kung saan makikita ang Katedral ng San Pedro (Aleman: Dom Sankt Peter). Hindi napinsala ang sentro ng lungsod noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. Kilala rin ang Regensburg bilang isang university town dahil sa dami ng mag-aaral sa mga pamantasan ng lungsod, ang Universität Regensburg (UR) at Ostbayerische Technische Hochschule (OTH). Makikita rin sa Regensburg ang isang planta ng sasakyan ng BMW.