pag-aayuno ng isang buwan sa Islam From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ramadan (Arabe: رَمَضَان, romanisado: Ramaḍān [ra.ma.dˤaːn]) ay isang kaganapang panrelihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung kailan naihayag ang Qur'an.[5] Ito ang panahon ng pag-aayuno (sawm), pagdarasal, pagnilay, at pamayanan.[6] Isang paggunita ng unang paghayag ni Muhammad,[7] itinuturing bilang isa sa mga Limang Haligi ng Islam ang taunang pagtalima sa Ramadan[8] at tumatagal ng dalawampu't siyam hanggang tatlumpung araw, mula isang pagkakita ng gasuklay na buwan hanggang sa susunod na pagkakita nito.[9][10]
Ramadan رَمَضَان | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Mga Muslim |
Uri | Panrelihiyon |
Mga pagdiriwang | Mga iftar at pagdarasal ng komunidad |
Mga pamimitagan |
|
Nagsisimula | Sa huling gabi ng buwan ng Sha'ban[1] |
Nagtatapos | Sa huling gabi ng buwan ng Ramadan[1] |
Petsa | Paiba-iba (sumusunod sa kalendaryong lunar ng Islam)[2][3] |
2023 date | 22 Marso – 21 Abril[4] |
Dalas | Taunan (kalendaryong lunar) |
Kaugnay sa | Eid al-Fitr, Gabi ng Qadr |
Obligado na umiwas sa pagkain at inumin mula pagsikat ng araw at paglubog ng araw ang lahat ng mga adultong Muslim na walang sakit (matindi man o malala), hindi naglalakbay, nakatatanda, nagpapasuso, diyabetiko, o nagreregla.[11] Suhur ang tawag sa kainan bago ang pagsikat ng araw, at iftar naman ang tawag sa hapunang matapos ang ayuno.[12][13] Kahit nailabas ang mga fatwa na nagdedeklara na dapat sundin ng mga Muslim na naninira sa mga rehiyon na may araw sa hatinggabi o gabi sa polo ang talaorasan ng Mecca,[14] isang karaniwang kaugalian na sundin ang talaorasan ng pinakamalapit na bansa kung saan malinaw ang kaibahan ng araw at gabi.[15][16][17]
Pinaniniwalaang mas marami ang mga espirituwal na gantimpala (thawab) ng pag-aayuno tuwing Ramadan.[18] Kaayon nito, hindi lang iniiwasan ng mga Muslim ang pagkain at inumin tuwing mga oras ng pag-aayuno, kundi produktong tabako, seksuwal na relasyon, at makasalanang pag-uugali.[19][20] Sa halip, inilalaan ang kanilang sarili sa salat (pagdasal) at pag-aaral ng Qur'an.[21][22]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.