Punong Ministro ng Myanmar
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Punong Ministro ng Burma ang pinuno ng pamahalaan ng Burma, na tinatawag ring Myanmar.
Punong Ministro ng Myanmar
မြန်မာနိုင်ငံတော် ဝန်ကြီးချုပ် | |
---|---|
Tirahan | Naypyidaw |
Nagtalaga | State Administration Council |
Nabuo |
|
Unang humawak | U Nu |
Nabuwag | 30 Marso 2011 (first time) |
Diputado | Deputadong punong ministro |
Ang termino ng Punong Ministro ay ginamit noong 1948. Simula noon sampung tao na ang humawak ng posisyon (kung saan ang dalawa doon ang ang humawak ng dalawang beses sa magkaibang panahon). Dahil sa mahabang panahon ng pamamahala ng mga hukbo, hindi na bago na ang Punong Ministro ay naninilbihan o retiradong opisyal ng militar.
Ang totoong kapangyarihan ng Punong Ministro ay nagpabago-bago sa pagdaan ng panahon, depende sa kung sino ang namumuno. Ang hindi pagkakasundo sa kapangyarihan sa pagitan gn pinuno ng estado, Senior General Than Shwe, Tagapangulo ng Konseho ng Kapayapaan at Pagpapaunlad ng Estado, at ng kanyang Punong Ministro, Khin Nyunt, ay nagresulta sa pagkakatanggal sa Punong ministro at pagpapakulong rito.