From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rhode Island (pagbigkas: /ˌɹoʊd ˈaɪlɪnd/), opisyal na State of Rhode Island, ay isang estado sa rehiyon ng New England sa Estados Unidos. Ang Rhode Island ay ang pinakamaliit na estado, pangwalo sa may pinakakakaunting populasyon, ngunit pumapangalawa sa pinakamakapal ang dami ng tao sa lahat ng 50 estado ng Estados Unidos (kasunod ng New Jersey). Kahangganan ng Rhode Island ang Connecticut sa kanluran at Massachusetts sa hilaga at silangan, kahati nito ang Long Island sa katubigan nito sa timog-kanluran. Ito rin ang may pinakamahabang pangalan sa lahat ng estado.
Rhode Island | |
---|---|
Bansa | Estados Unidos |
Sumali sa Unyon | Mayo 29, 1790 (13th) |
Kabisera | Providence |
Pinakamalaking lungsod | Providence |
Pamahalaan | |
• Gobernador | Daniel McKee (D) |
• Mataas na kapulungan | {{{Upperhouse}}} |
• [Mababang kapulungan | {{{Lowerhouse}}} |
Mga senador ng Estados Unidos | Jack Reed (D) Sheldon Whitehouse (D) |
Populasyon | |
• Kabuuan | 1,048,319 |
• Kapal | 691.0/milya kuwadrado (387.35/km2) |
• Panggitnang kita ng sambahayanan | $44,619 |
• Ranggo ng kita | 17th |
Wika | |
• Opisyal na wika | English |
Tradisyunal na pagdadaglat | R.I. |
Latitud | 41°09' N to 42°01' N |
Longhitud | 71°07' W to 71°53' W |
Ang Rhode Island ang nauna sa orihinal na Thirteen Colonies na magpahayag ng kasarinlan mula sa Britanya, noong Mayo 4, 1776, dalawang buwan bago pa ang ibang kolonya. Ito ay ang pinakahuli naman sa labintatlong orihinal na kolonya na nagratipika sa Saligang-batas ng Estados Unidos.[1][2]
"The Ocean State" ang opisyal na palayaw ng Rhode Island, dahil na rin sa heograpiya ng estado, dahil ito'y maraming malawak na look at kalookan na umaabot sa 14% ng kabuuang lawak nito. Ang kalupaan nito ay 2,710 km² (maliit lang ng kaunti sa Antique), ngunit higit na malaki ang kabuuang nasasakupan nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.