From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Romanong lalawigan ng Judea ( /dʒuːˈdiːə/ ; Hebreo: יהודה, Pamantayang Yəhūda Tiberian Yehūḏā; Griyego: Ἰουδαία Ioudaia; Latin: Iūdaea), kung minsan ay binabaybay sa orihinal na mga anyong Latin na Iudæa o Judaea upang mapag-iba ito mula sa pangheograpiyang rehiyon ng Judea, isinasama ang mga rehiyon ng Judea, Samaria, at Idumea, at sumaklaw lalo sa mga bahagi ng mga dating rehiyon ng Asmoneo at mga kahariang Herodes ng Judea. Pinangalanan ito pagkatapos ng Tetrarkiya ni Herodes Archelaus sa Judea, ngunit ang lalawiganng Romano ay sumaklaw sa isang mas malaking teritoryo. Ang pangalang "Judea" ay nagmula sa Kaharian ng Juda noong ika-6 na siglo BCE.
Provincia Ivdaea ἐπαρχία Ιουδαίας | |||||
Lalawigan ng ng Imperyong Romano | |||||
| |||||
Kabisera | Caesarea Maritima | ||||
Mga Prepekto bago 41, Prokurador matapos ang 44 | |||||
- | 6–9 CE | Coponius | |||
- | 26–36 CE | Poncio Pilato | |||
- | 64–66 CE | Gessius Florus | |||
- | 117 CE | Lusius Quietus | |||
- | 130–132 CE | Tineius Rufus | |||
Hari ng mga Hudyo | |||||
- | 41–44 | Agrippa I | |||
- | 48–93/100 | Agrippa II | |||
Legislature | Synedrion/Sanhedrin | ||||
Panahon sa kasaysayan | Prinsipadong Romano | ||||
- | Senso ni Quirinius | 6 CE | |||
- | Pagpapapako kay Kristo | c. 30/33 CE | |||
- | Krisis sa ilalim ni Caligula | 37–41 CE | |||
- | Pagsasama ng Galilee at Peraea | 44 CE | |||
- | Pagwasak sa Ikalawang Templo | 4 Agosto 70 CE | |||
- | Aklasang Bar Kokhba | 132–135 CE 135 CE | |||
Bago ang Agosto 4, 70, ay tinutukoy bulang Ikalawang Templong Hudaismo, na kung saan umusbong ang Tannaim at Maagang Kristiyanismo. |
Ayon sa istoryador na si Josefo, kaagad pagkakasunod sa pagtitiwalag kay Herodes Archelaus noong 6 CE, ang Judea ay ginawang isang lalawigang Romano, na sa panahong ito ay binigyan ng awtoridad ang Romanong prokurador na parusahan sa pamamagitan ng pagpatay. Ang pangkalahatang populasyon ay nagsimula ring mabuwisan ng Roma.[1] Ang lalawigan ng Judea ay pinangyarihan ng kaguluhan sa pagkakatatag nito noong 6 CE sa panahon ng Senso ni Quirinius, ang Pagpapako sa krus kay Hesus bandang 30–33 CE, at maraminga giyera, na kilala bilang mga digmaang Hudyo-Romano, ay nangyayari sa pag-iral nito. Ang Ikalawang Templo ng Herusalem ay winasak ng mga Romano noong 70 CE malapit sa pagatatapos ng Unang Digmaang Hudyo-Romano, at itinatag ang Fiscus Judaicus. Matapos ang Himagsikang Bar Kokhba (132–135), binago ng Emperador ng Roma na si Adriano ang pangalan ng lalawigan tungo sa Syria Palaestina at ang pangalan ng lungsod ng Herusalem tungo sa Aelia Capitolina, na napagtatanto ng ilang iskolar bilang isang pagtatangka upang putulin ang ugnayan ng mga Hudyo mula sa kanilang tinubuang bayan.[2][3]
Ang unang pangingialam ng Roma sa rehiyon ay nagmula noong 63 BCE, kasunod ng pagtatapos ng Ikatlong Digmaang Mitridatiko, nang itatag ng Roma ang lalawigan ng Syria. Matapos ang pagkatalo ni Mitridates VI ng Pontus, dinambong ni Pompey ang Herusalem at inilagay ang prinsipeng Asmoneo na si Hircano II bilang Etnarka at Mataas na Pari ngunit hindi bilang hari. Ilang taon na ang lumipas ay hinirang ni Julio Cesar si Antipatro ng Idumea, na kilala rin bilang Antipas, bilang unang Romanong Prokurador. Ang anak ni Antipater na si Herodes ay itinalagang "Hari ng mga Hudyo" ng Senado ng Roma noong 40 BCE[4] ngunit hindi siya nakakuha ng kontrol sa militar hanggang 37 BCE. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang huling mga kinatawan ng Asmoneo ay tinanggal, at ang malaking daungan ng Caesarea Maritima ay itinayo.[5]
Namatay si Herodes noong 4 BCE, at ang kaniyang kaharian ay nahahati sa tatlo sa kaniyang mga anak na lalaki, dalawa sa kanila (Felipe at Herodes Antipas) ay naging tetrarko ('mga pinuno ng isang kapat na bahagi'). Ang pangatlong anak na lalaki, si Arquelao, ay naging isang etnarko at namuno sa kalahati ng kaharian ng kaniyang ama.[6] Ang isa sa mga prinsipalidad ay ang Judea, na tumutugma sa teritoryo ng makasaysayang Judea, kasama ang Samaria at Idumea.
Lubos na ninais pamunuan ni Arquelao ang Judea kaya siya ay inalis noong 6 CE ng Romanong Emperador na si Augusto, pagkatapos ng panawagan mula sa kaniyang sariling mga pinamumunuan. Si Herodes Antipas, pinuno ng Galilea at Perea mula sa 4 BCE ay noong 39 CE na inalis ni Emperador Caligula. Ang anak ni Herodes na si Felipe ang namuno sa hilagang-silangan na bahagi ng kaharian ng kaniyang ama.[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.