From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pamamatnugot ay ang proseso ng pagpili at paghahanda ng wika, mga larawan o imahen, tunog, bidyo, o pelikula sa pamamagitan ng mga proseso ng pagtatama o pagwawasto, organisasyon, at iba pang mga modipikasyon o pagbabago sa sari-saring mga midya. Tinatawag na patnugot o editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang nasa pagitan ng may-akda at ng patnugot. Sa gayon, isa ring pagsasagawa ang pamamatnugot na kinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan, ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na pangkat ng mga metodo o kaparaanan.[1][2] Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o editoryal. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang pamutol o pang-edit ng pelikula.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.