From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Patimpalak ng Kagandahan[1] (Ingles: beauty pageant o beauty contest) ay isang paligsahan na tradisyunal na nakatuon sa paghusga at pagranggo ng pisikal na katangian ng mga kalahok. Sumulong ang mga patimpalak na isali ang panloob na kagandahan, na may pamantayang sinasakop ang paghusga ng personalidad, talino, talento, ugali, at pagkikilahok sa kawanggawa, sa pamamagitan ng pribadong panayam sa mga hurado at pagsagot sa mga tanong sa publikong entablado. Orihinal na tumutukoy ang patimpalak pagandahan sa Malalaking Apat na internasyunal na patimpalak pagandahan.
Nahahati ang mga titulo ng pagandahan sa Binibini (Miss), Ginang (Mrs. o Ms.), at Kabataan (Teen) – upang malinaw na matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng mga dibisyon ng pagandahan. Daan-daan at libu-libong mga patimpalak pagandahan ang ginaganap kada taon,[2] subalit ang Malalaking Apat ang tinuturing na pinakaprestihiyoso,[3] na malawak na binibigyan pansin at sinasahimpapawid ng midya.[4] Halimbawa, pinagsama-samang tinutukoy ng The Wall Street Journal,[5] BBC News,[6] CNN,[7] Xinhua News Agency,[8] at pandaigdigang ahensyang balita tulad ng Reuters,[9][10] Associated Press[11] at Agence France-Presse[12][13] ang apat na pangunahing pagandahan bilang "Malalaking Apat": Miss Universe, Miss World, Miss International, at Miss Earth.[14][15][16]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.