Ang parlamento o batasan ay isang uri ng lehislatura, taglay lalo na ng mga bansang may sistema ng pamahalaang hango sa sistemang Westminster ng United Kingdom.
Etimlohiya
Galing ang parlamento sa salitang Pranses na parlement, mulà sa pandiwang parler na may kahuguláng "magsalità". Buhat nito, ang parlement ay isang diskusyón o isang pagpupulong kung saan tinatalakay ang iba't ibang mga isyu sa isang bansà. Isang uri rin ito ng debate o pakikipagtalastasan ng mga estudyante.
Paglalarawan
Isa itong uri ng demokratikong bansa na pinamúmunuan ng isang punong ministro bilang punong-gobyerno, at may isang kapulungán ng mga tagapágbatás. Ang partidong nanalo ng pinakamaraming silya sa lehislatura sa isang pederal na eleksiyon ang bumubuó ng gobyerno ng bansà at ang pinuno ng partidong ito ang nagiging punong ministro. Ito ay tinatawag na gobyernong mayoridad kung nakuha nito ang itinakdang bilang upang maging mayoridad.
Halimbawa sa Nagkakaisang Kaharian, kinakailangang makakuha ng 326 na silya ang isang partido upang makabuo ng absolutong mayoridad.[1] Kung hindì umabot sa mayoridad ang nakuhang silya ng isang partido at nakakuha ng pinakaraming silya ang mga katúnggaling partido, ito ay tinatawag na gobyernong minoridad.
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.