![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/58/Slice_earth.svg/langtl-640px-Slice_earth.svg.png&w=640&q=50)
Panloob na kaibuturan ng Daigdig
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa heolohikal na gitna ng daigdig ang artikulo na ito. Para sa heograpikal na "sentro ng daigdig" o "gitna ng daigdig", tingnan ang Heograpikal na gitna ng daigdig.
Ang panloob na kaibuturan (Inner core sa Ingles) ay ang pinakagitnang laman ng planetang Daigdig. Pangunahing binubuo ito ng solidong bola ng bakal at nikel na may laking 1,220 km ang radius, laking umaabot sa 20% ng radius ng Daigdig o 70% ng radius ng Buwan.[1]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/58/Slice_earth.svg/320px-Slice_earth.svg.png)
- balat na kontinental
- balat pandagat
- itaas na mantel
- ibabang mantel
- Panlabas na kaibuturan
- Panloob na kaibuturan
- Discontinuity ni Mohorovicic
- hangganan ng kaibuturan at mantel
- hangganan ng panloob at panlabas na kaibuturan
Walang piraso ng kaibuturan ng daigdig ang maaaring direktang makuha kumpara sa piraso ng mantel na mayroong mga muwestrang nakuha[2]. Ang mga katangian ng kaibuturan ng Daigdig ay mula sa pagsusuri ng mga alon ng lindol (seismic waves)[3] at batawang magnetiko (magnetic field)[4] nito. Tinatayang aabot sa 5,700 K (5,430°C) ang temperatura nito, halos kasing-init ng ibabaw ng araw[5].