![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/5f/2024_Pacific_typhoon_season_summary.png/640px-2024_Pacific_typhoon_season_summary.png&w=640&q=50)
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024 ay ang panahon ng bagyo na taunang nagaganap sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Bagamat taunan, nagiging aktibo ito pagsapit ng buwan ng Mayo hanggang Oktubre. Ang unang bagyo na nabuo at pinangalanan sa loob ng lugar ng responsibilidad, Aghon, ay nabuo noong Mayo 22 na kalaunan ay tumama sa Pilipinas at lumakas bilang ang unang matinding bagyo ng taon.
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
![]() | Mga paalala patungkol sa artikulo:
|
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024 | |
---|---|
![]() Mapa ng mga dinaanan ng bagyo sa panahong ito | |
Hangganan ng panahon | |
Unang nabuo | Mayo 22, 2024 |
Huling nalusaw | Hindi pa tukoy |
Pinakamalakas | |
Pangalan | Aghon |
• Pinakamalakas na hangin | 130 km/o (80 mil/o) (10-minutong pagpanatili) |
• Pinakamababang presyur | 980 hPa (mbar) |
Estadistika ng panahon | |
Depresyon | 2 |
Mahinang bagyo | 2 |
Bagyo | 1 |
Superbagyo | 0 (di-opisyal) |
Namatay | 6 |
Napinsala | $20.77 milyon (2024 USD)(PHP1.02 bilyon) |
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko 2022, 2023, 2024, 2025, 2026 |
Limitado ang artikulong ito sa Karagatang Pasipikong nasa itaas ng ekwador sa pagitan ng 100° silangan at ika-180 meridyan. Sa loob ng bahaging ito ng Pasipiko, may dalawang pangunahing ahensiyang nagpapangalan sa mga bagyo na nagiging dahilan para magkaroon ng dalawang pangalan ang iisang bagyo. Papangalanan ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapon (Japan Meteorological Agency, JMA) ang isang sama ng panahon kung ito ay may 10-minutong napapanatiling bilis ng hangin na hindi bababa sa 65 kilometro kada oras (40 milya kada oras) saanman sa nasasakupang lugar, samantalang pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga dumadaan na bagyo o nagiging depresyong tropikal (tropical depression) sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad sa pagitan ng 135° sa silangan hanggang 115° sa silangan at sa pagitan ng 5° hilaga hanggang 25° hilaga kahit na wala pang binibigay na pangalan ang JMA. Ang mga minamanmanan na depresyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos ay binibigyan ng isang numero at hulaping "W."
Ginagamit ng artikulong ito ang pangalan na binigay ng PAGASA. Para naman sa mga bagyong di pinangalanan ng PAGASA, gagamitin ang pangalan nito sa buong mundo, nang ''nakapahilis''.