From Wikipedia, the free encyclopedia
The Palazzo Vecchio (Bigkas sa Italyano: [paˈlattso ˈvɛkkjo] "Old Palace") ay ang bulwagang pambayan ng Florencia, Italya. Tinatanaw nito ang Piazza della Signoria, na nagtataglay ng isang kopya ng estatwa ni Michelangelo David, at ang galerita ng mga estatwa sa katabing Loggia dei Lanzi.
Orihinal na tinawag na Palazzo della Signoria, pagkatapos ng Signoria ng Florencia, ang namumunong katawan ng Republika ng Florencia, ang gusaling ito ay kilala rin ng maraming iba pang pangalan: Palazzo del Popolo, Palazzo dei Priori, at Palazzo Ducale, alinsunod sa iba't ibang paggamit ng palasyo sa panahon ng mahabang kasaysayan nito. Natamo ng gusali ang kasalukuyang pangalan nito nang ang tirahan ng dukeng Medici ay inilipat sa Ilog Arno patungo sa Palazzo Pitti.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.