From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pulong bulkan ng Whakaari/White Island sa hilagang-silangan ng rehiyon ng Bay of Plenty sa New Zealand ay pumutok nang bayolente noong Disyembre 9, 2019 sa 14:11 NZDT (01:11 UTC).[3] IIniulat na 47 katao ang nasa pulo sa mga oras na iyon. Noong Disyembre 16, labing walong katao ang namatay mula sa insidente, habang dalawampu't siyam na katao naman ang nasugatan, karamihan sa kanila ay may malubhang pagkasunog. Hindi pa nakukuha ang labi ng dalawang biktimang nawawala, na ipinalalagay ngayong nasawi.[4] Ang patuloy na aktibidad ng paglindol at ng bulkan sa lugar, pati na rin ang malakas na pag-ulan, mababang antas ng pagiging madaling makita (''low visibility'') at nakalalason na gas ay humadlang sa mga pagsisikap sa gawaing pagkuha ng mga biktima sa loob ng isang linggo kasunod ng insidente.[5][6][7]
Pagputok ng Whakaari/White Island ng 2019 | |
---|---|
Bulkan | Whakaari/White Island |
Petsa | 9 Disyembre 2019 |
Uri | Phreatic eruption |
Lugar | Bay of Plenty, North Island, New Zealand 37°31′12″S 177°10′57″E |
VEI | 2–3 |
Nasalanta | Mga namatay: 21 kumpirmado, 2 nawawala at pinalalagay na namatay[1][2] Mga nasugatan: 26 |
Natukoy ng mga dalubhasa ang kaganapan bilang isang priatikong pagputok : isang paglabas ng singaw at bulkan na gas na nagdulot ng pagsabog, at nagpabuga ng bato at abo sa hangin.[8]
Sa loob ng isang linggo pagkaraan ng pagputok, inilipad ng Royal Australian Air Force ang labintatlo nilang mamamayang nasugatan pabalik sa Australya. Ang isa sa kanila ay nasawi kinalaunan sa isang ospital sa Australya.
Pagkamamamayan | Mga namatay | Mga nasugatan |
---|---|---|
Australya | 14 | 11 |
Estados Unidos | 5 | 4 |
New Zealand | 2 | 3 |
Alemanya | 4 | |
Nagkakaisang Kaharian | 2 | |
Tsina | 2 | |
Malaysia | 1 | |
Di pa tukoy | 1 | |
Kabuoan | 21 | 26 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.