Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran ito malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa at/o ang madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Sa pangkalahatan, kailangan nito ang pagpili, pasukat at pagsama-sama ng mga sangkap sa isang maayos na paraan sa pagsisikap na makamit ang ninanais na resulta. Kabilang sa pagpipigil ng pagkatagumpay ang pagkakaiba-iba ng sangkap, kalagayan ng kapaligiran, kagamitan at ang kasanayan ng taong nagluluto.

Agarang impormasyon
Wikibooks
Wikibooks
Mayroon sa Wikibooks ng patungkol sa Pagluluto.
Isara

Sinsangkot ng madalas ng pagluluto, bagaman hindi palagi. May mga katibayan sa arkeolohiya ng mga nilutong pagkain (parehong karne at gulay) sa mga tirahan ng mga tao mula pa noong sa pinakamaagang kilala ng paggamit ng apoy.

Mga bisa ng pagluluto

Kung ginamit ang pagiinit, maaari na mamatay ang mga mikrobyo (depende sa temperatura, ang oras ng pagluluto, at ang paraan na ginamit) at palambutin ang pagkain. Mapanganib ang temperaturang 4 hanggang 60 °C (45 hanggang 140 °F) na napapanis ang karamihan sa mga pagkain dahil sa nabubuhay ang bakterya at kailangang maiwasan para sa kaligtasan ng mga produkto ng karne, manukan, at gatasan. Di namamatay ang mga bakterya sa paglalamig o paglapat ng yelo ngunit bumabagal ang kanilang pagdami.

Pinapayuhan ng mga taga-taguyod ng pag-diyeta sa mga hilaw na pagkain laban sa paggamit ng init sa paghahanda ng pagkain: pinaniniwalaan nila na sinisira ng temperatura na higit sa 41 °C (106 °F) ang mga kailangang ensima sa pagkain, na sa paniwala nila ang kailangan sa nararapat na patunaw ng pagkain at nutrisyon (tandaan: habang sa pagtutunaw, mabilis na masira ang mga protina, kabilang ang mga ensima, ng mga pepsin sa tiyan.

Pamamaraan sa pagluluto

Ilan sa mga pangunahing pamamaraan sa mainit na pagluluto:

  • Pagluluto sa hurno
  • Pagkukulo
    • Pagkulo at paglagay sa malamig na tubig (blanching)
    • Paginit sa kaunting tubig (braising)
    • Pagluluto sa mababang init (coddling, simmering)
    • Dobleng pinausukan
    • Pagtitimpla
    • Pagluluto na may presyon
    • Pinausukan
    • Pagluluto sa vacuum flask
    • Pagbababad (Steeping)
    • Pagpapangat
    • Pagsisigang
  • Pagpipirito
    • Pagpipritro sa madaming mantika (deep frying)
    • Pagpipirito na may asin (hot salt frying)
    • Pagpipirito na may itim na buhangin (hot sand frying)
    • Pagpipirito sa kawali
    • Pagpipirito na may presyon
    • Paggigisa (sauteeing)
    • Paggigisang hinahalo (stir frying)
  • Pagluluto sa microwave
  • Paglilitson
    • Pagiihaw
    • Pagiihaw na diretso sa apoy (grilling)
    • Pagpapaso (searing)
    • Paglilitson na iniikot (rotisserie)
  • Pagtitinapa
  • Paglalaga

Ibang paraan sa paghahanda na di iniinit

  • Pagbababad sa asin (brining)
  • Pagpapatuyo
  • Paggigiling
  • Pagbababad
  • Pagtatadtad
  • Pagaatsara/pagbuburo
  • Pagaasinan
  • Pagbibigay lasa (seasoning)
  • Pagpapatubo ng buto (sprouting)

Tingnan din

May mga partikular na pamamaraan at sangkap na kadalasan sa isang rehiyon lamang matatagpuan. Tignan ang mga tradisyonal na pagluluto (Cuisine) para sa karagdagan impormasyon tungkol sa maraming rehiyonal at etnikong tradisyon na pagkain. Tignan din ang kasulatan sa pagluluto para sa mga ilang may-akda ng mga aklat sa pagluluto, pagkain at ang kasaysayan sa pagkain.

  • Mga kagamitan sa pagluluto
  • Mga bigat at sukatan sa pagluluto (kabilang ang pagpapalit at pagpaparis na karaniwan sa pagluluto)
  • Kalinisin ng pagluluto at pagkain
  • Pananatili ng pagkain
  • Listahan ng mga aklat sa pagluluto
  • Listahan ng mga kubyertos sa paghahanda ng pagkain kabilang ang mga saucepan, kawali, wok at iba pa.
  • Tradisyonal na pagluluto (Cuisine)
  • Resipe

Para sa listahan ng mga resipe, tignan ang listahan ng mga resipe at ang listahan ng mga kakteil. Tignan din ang pagkaing staple.

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.