Paglalathala sa kompyuter
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang paglalathala sa kompyuter (sa Ingles: Desktop publishing na pinaiiksi bilang DTP; lit. na '"paglalathala sa ibabaw ng mesa"') ay ang paglikha ng mga dokumento sa pamamagitan ng sopwer na pambalangkas ng pahina na ginagamit ang isang personal na kompyuter.
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Agosto 2022)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Masyadong Tinatagalog ang mga teknikal na katawagan. |
Ginagamit ang kataga para sa paglalathala sa lahat ng mga kaantasan, magmula sa mga dokumentong pangmaliitang pagpapamudmod o pagkakalat na katulad ng mga sulat-pambalita o newsletter hanggang sa mga aklat, mga magasin at mga pahayagan. Subalit ang katawagan ay nagpapahiwatig ng isang kinalabasang mas propesyunal ang kaanyuan, na may mas masalimuot na kalatagan, kaysa sa pagpoproseso ng mga salita o word processing, kung kaya’t nang ipakilala noong dekada 1980 ito ay kadalasang ginagamit na may kaugnayan sa mga tahanan at maliliit na mga organisasyon na hindi dati-rating makagawa ng mga dokumentong may kalidad na pampalimbagan o iyong ginagawa sa mga plantang palimbagan.