Pang-aalipin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pang-aalipin ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tinatratro ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o tumanggap ng bayad (katulad ng sahod). Maaaring bumilang sa kamakailan lamang gamit ng mga katawagang "pang-aalipin" o "alipin" ang metaporikal at analogong mga gamit na nailalapat sa mga mababang anyo ng sapilitang trabaho.
Mayroong mga patunay ng pang-aalipin bago pa ang mga nasusulat na tala, at mayroon na sa iba't ibang katindihan, anyo at kapanahunan sa halos lahat ng kultura at lupalop.[1] Sa ibang mga lipunan, nagkaroon ng pang-aalipin bilang isang legal na institusyon o sistemang sosyo-ekonomiko, ngunit hindi na ngayon ito pinapahintulot sa batas ng halos lahat ng mga bansa. Gayon pa man, nagpapatuloy pa rin ang kasanayan sa iba't ibang mga anyo sa buong mundo.[2][3]
Kinikilala bilang karapatang pantao ang kalayaan mula sa pang-aalipin. Sinasabi sa Artikulo 4 ng Pangkalahatang Pagpapahayag ng Karapatang Pantao:
- No one shall be held in slavery or servitude; slavery and the slave trade shall be prohibited in all their forms.[4]
- (Walang sinuman ang aalipinin o bubusabusin; ipinagbabawal ang pang-aalipin at ang kalakalan ng mga alipin sa lahat ng anyo nito.)