Panahon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Panahon.
Ang panahon (Ingles: time) ay isang bahagi ng sistemang pansukat para malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at mga patlang sa gitna nila at kung gaano katagal ang isang pangyayari. Ang panahon ay mahalaga sa pag-aaral ng relihiyon, pilosopiya at agham. Sa kasalukuyan, hindi pa rin mabigyan ng kahulugan ang panahon na magagamit sa lahat ng mga sangay ng agham at sipnayan (matematika) sapagka't kahit ang mga dalubhasa ay nahihirapan.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fb/C_solarcorona2003.gif/220px-C_solarcorona2003.gif)
Pinapakita at kinakatawan ng paggalaw ng Araw at Buwan ang panahon simula pa noong lumitaw ang buong sangkatauhan.[1]