Ang Negueb[1] ay isang disyerto at rehiyong semi-disyerto ng katimugang Israel. Unang binanggit ito sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya (Henesis 12:9), na matatagpuan sa katimugang Palestina o sa timog ng Canaan.[1][2] Kilala ito ng mga katutubong Bedouin na naninirahan dito bilang al-Naqab (Arabe: النقب).

Thumb
Negueb

Ang salitang Negev (Hebreo: נֶגֶב, bokalisasyong Tiberyano: Néḡeḇ) ay nagmula sa salitang ugat sa Ebreo na nangangahulugang "tuyo". Sa Bibliya, ginagamit rin ang salitang Negev para sa direksiyong 'timog'.

Heograpiya

Mahigit kalahati ng buong Israel ay sakop ng Negueb, na may laki ng higit sa 13,000 kilometrong parisukat (4,700 milyang parisukat), halos 55% ng buong bansa. Bumubuo ito ng hugis parisukat na baligtad, kung saan ang kanlurang bahagi nito ay kadugtong ng disyerto ng Tangway ng Sinai, at ang silangang bahagi nito ay ang lambak ng Arabah.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.