Kastilang Gobernador Heneral ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Narciso Clavería y Zaldúa (Mayo 2, 1795 – Hunyo 20, 1851) ay isang opisyal ng hukbong panlupa ng Kastila na naglingkod bilang isang Gobernador-Heneral ng Pilipinas magmula Hulyo 16, 1844 hanggang Disyembre 26, 1849. Noong panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas, tinangka niyang mabigyan ang kapuluan ng isang pamahalaan na katulad ng sa makabagong Espanya. Naglakbay siya sa maraming mga lalawigan na sinusubukang matutunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino. Hinikayat niya ang pagsasagawa ng agrikultura, pagpapainam ng mga lansangan at ng mga pook na sub-urbano ng Maynila at nagtagumpay siya sa pagtulong sa bansa.[2] Nabigyan siya ng pamagat na Konde ng Maynila.[1] Ang mga bayan ng Claveria sa lalawigan ng Misamis Oriental, Claveria sa lalawigan ng Masbate, at Claveria na nasa lalawigan ng Cagayan ay ipinangalan mula sa kaniya bilang parangal.[3]
Narciso Clavería y Zaldúa Konde ng Maynila | |
---|---|
Ika-71 Gobernador-Heneral ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hulyo 16, 1844 – Disyembre 26, 1849 | |
Monarko | Isabella II ng Espanya |
Nakaraang sinundan | Francisco de Paula Alcalá de la Torre |
Sinundan ni | Antonio María Blanco |
Personal na detalye | |
Isinilang | May 2, 1795 Girona, Catalonia, Espanya |
Yumao | 20 Hunyo 1851 56) Madrid, Espanya | (edad
Kabansaan | Kastila |
Asawa | Ana Berroeta Clavería, Kondesa ng Maynila[1] |
Si Narciso Clavería ay katutubo ng Gerona, Espanya (subalit may oriheng Biscayano). Naging kasapi siya ng Tauhang Panlahat ng Espanya noong 1838: isang Koronel noong 1839 at Tenyente Heneral noong 1844.[4] Naging gobernador siya ng Pilipinas noong Hulyo 16, 1844.
Hiniling ni Clavería ang kaniyang pagreretiro at iniwan niya ang posisyon ng pagkagobernador-heneral ng Pilipinas, at nagbalik sa Espanya.[5] Isa siyang tao na mayroong kultura, katapatan, at industriya.[2] Naging isa siyang senador noong 1850 subalit namatay noong sumunod na taon noong Hunyo 20, 1851 sa Madrid.[4][6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.