NHK
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa the Japanese broadcaster ang artikulo na ito. Para sa ibang mga gamit, tingnan ang NHK (paglilinaw).
Huwag ikalito sa Nippon Broadcasting System.
Ang NHK (日本放送協会, Nippon Hōsō Kyōkai) o ang Japan Broadcasting Corporation ang pambansang pampublikong brodkaster ng bansang Hapon. Sa ngayon, nagpapatakbo ang NHK ng dalawang serbisyong terestyal na telebisyon (NHK - General TV at NHK - Educational TV), tatlong serbisyong pang-satelayt (NHK BS-1 at BS Premium), at tatlong ugnayan ng radyo (NHK Radio 1, NHK Radio 2 at NHK FM). Para sa mga nasa ibayong dagat, mayroon din silang serbisyo na NHK World. Binubuo ang NHK World ng NHK World TV, NHK World Premium, ang shortwave na serbisyo ng radyo NHK Radio Japan at ang website nito sa internet. Kilala din ang serbisyong shortwave nito sa impormal na pangalang Radio Tokyo. Nasa NHK Broadcasting Center sa Shibuya, Tokyo ang punong himpilan ng NHK.
Nangangailangan ang artikulong ito ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. (December 2009) |
Agarang impormasyon Uri, Bansa ...
Uri | Brodkaster ng pang Radyo, telebisyong pang-terrestrial at telebisyong pang-satellite |
---|---|
Bansa | |
Lugar na maaaring maabutan | Buong bansa at buong mundo |
Binuo ni/nina | Tokyo Broadcasting Station founded 29 November 1924; merged into Japan Broadcasting Corporation 6 August 1926; implementation of Broadcasting Act 1 June 1950 |
Islogan | まっすぐ、真剣。("Straightforward, earnest") |
Lawak ng brodkast | Hapon |
Lawak | Shibuya, Tokyo |
May-ari | Independent corporation chartered by the government of Japan under the Broadcasting Act |
(Mga) pangunahing tauhan | Katsuto Momii, President |
Petsa ng unang pagpapalabas | March 1925 (radio) November 1950 (February 1953) (television) |
(Mga) dating pangalan | Tokyo/Osaka/Nagoya Broadcasting Station (1925-26) |
Kahulugan ng tatak pantawag | Nippon Hōsō Kyōkai |
Opisyal na websayt | nhk.or.jp |
Isara
Agarang impormasyon Mapapanood ...
Mapapanood | |
---|---|
Isara