Monteroni d'Arbia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Monteroni d'Arbia ay isang bayan at komuna (munisipalidad) sa lalawigan ng Siena, rehiyon ng Toscana, gitnang Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) timog ng Florencia at mga 13 kilometro (8 mi) timog-silangan ng Siena sa lugar na kilala bilang Crete Senesi. Kinuha nito ang mga pangalan nito mula sa ilog Arbia, isang tributaryo ng Ilog Ombrone.
Monteroni d'Arbia | |
---|---|
Comune di Monteroni d'Arbia | |
Pieve ng San Juan Bautista frazione ng Corsano | |
Mga koordinado: 43°14′N 11°25′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Toscana |
Lalawigan | Siena (SI) |
Mga frazione | Cuna, Lucignano d'Arbia, Ponte a Tressa, Ponte d'Arbia, Quinciano, Radi, Ville di Corsano |
Pamahalaan | |
• Mayor | Gabriele Berni |
Lawak | |
• Kabuuan | 105.91 km2 (40.89 milya kuwadrado) |
Taas | 161 m (528 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 9,070 |
• Kapal | 86/km2 (220/milya kuwadrado) |
Demonym | Monteronesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 53014 |
Kodigo sa pagpihit | 0577 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
Ang pagtatatag ng munisipalidad ay nangyari noong 1810, sa panahong Napoleoniko, kasunod ng mga desisyon na ginawa ng Ekstraordinaryong Konsilyo ng gobyernong Toscana. Hanggang sa sandaling iyon ang teritoryo ay bahagi ng tanggapan ng Podesta ng Buonconvento.
Mga pangunahing tanawin
Ang pieve ni San Juan Bautista, sa Corsano, ay nagsimula bago ang 1031. May nable at dalawang pasilyo, ito ay isang halimbawa ng arkitekturang Romaniko may mga impluwensyang Pisano at Lombardo. Naglalaman ito ng dalawang canvas ni Alessandro Casolari.
Ang simbahan nina Santigao at San Cristobal sa Cuna, ay may mga labi ng ika-14 na siglong fresco.
Mga mamamayan
- Cesare Maccari, pintor, ay nanirahan sa nayon ng Quinciano
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.