Tel Megiddo
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tel Megiddo (Hebreo: תל מגידו; Arabe: مجیدو, Tell el-Mutesellim, lit. "Mound of the Governor"; Griyego: Μεγιδδώ, Megiddo) ang lugar ng sinaunang siyudad ng Megiddo na ang mga labi ay bumubuo sa isang tell (isang tambak na arkeolohikal). Ito ay matatagpuan sa Israel malapit sa Kibbutz Megiddo mga 30 km timog silangan ng Haifa. Ang Megiddo ay kilala sa kahalagahan nito sa kasaysayan, heograpiya at teolohiya dahil ito ay tinawag sa Griyego na Armageddon. Noong panahong Bronse, ang Megiddo ay isang mahalagang siyudad-estado sa Canaan at noong Panahong Bakal ay isang siyudad sa Kaharian ng Israel. Ang Megiddo ay mahalaga dahil sa stratehikong lokasyon nito sa hilagang dulo ng Wadi Ara defile na nagsisilbing daananan sa Carmel Ridge at mula sa posisyon nito ay matatanaw ang mayamang Lambak ng Jezreel mula sa kanluran. Ang mga paghuhukay sa Megiddo ay nagdulot ng 20 patong o strata ng mga giba simula pa sa panahong Neolotiko na nagpapakita ng napakahabang panahon ng paninirahan ng mga tao. Ito ay protektado bilang Megiddo National Park at isang World Heritage Site.[1]
מגידו | |
Ibang pangalan | Tell el-Mutesellim |
---|---|
Kinaroroonan | Near Kibbutz Megiddo, Israel |
Rehiyon | Levant |
Mga koordinado | 32°35′07″N 35°11′04″E |
Klase | Tirahan |
Bahagi ng | Kaharian ng Israel, Canaan |
Kasaysayan | |
Nilisan | 350 BCE |
Opisyal na pangalan | Biblical Tells – Megiddo, Hazor, Beer Sheba |
Uri | Cultural |
Pamantayan | ii, iii, iv, vi |
Itinutukoy | 2005 (29th session) |
Takdang bilang | 1108 |
State Party | Israel |
Region | Asia-Pacific |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.