From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang shōnen, shonen, or manga na shonen (少年漫画 shōnen manga) ay isang manga na tinatarget ang mga kabataang lalaki sa demograpikong nagbabasa. Nag-iiba ang pangkat ng edad sa indibiduwal na nagbabasa at sa iba't ibang mga magasin, ngunit pangunahin itong binalak para sa mga kabataan nasa gulang na 12 hanggang 18. Ang mga karakter sa kanji (少年) ay literal na nangangahulugan na "batang lalaki" (o "kabataan"), at ang mga karakter (漫画) ay nangangahulugan na "komiko". Sa gayon, nangangahulugan ang buong parirala na "komiko ng kabataan" o "komiko ng batang lalaki"; ang katumbas nito sa babae ay shōjo manga. Ang shōnen manga ay ang pinakapopular na anyo ng manga.[1][2] Tipikal na matindi ang aksyon sa shōnen manga[3] na kadalasang may patawa at tinatampok ang mga bidang lalaki.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.