![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/04/Mantegna_Magi.jpg/640px-Mantegna_Magi.jpg&w=640&q=50)
Mago ng Bibliya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa Mago ng Bibliya ang artikulo na ito. Para sa Mago na mga saserdote sa Persia, tingnan ang Mago.
Ang mga mago na kalaunang tinukoy sa mga tradisyong Kristiyano na tatlong haring mago, tatlong hari, tatlong mago at mga Pantas ang mga indibidwal na dumalaw sa batang Hesus noong bagong silang pa lamang ito. Sila ay isinasaad sa Ebanghelyo ni Mateo na dumating sa Herusalem mula sa silangan. Kanilang nakita ang bituin ni Hesus sa silangan at tumungo sa Belen upang sambahin ang sanggol na si Hesus. Ang bituin na kanilang nakita sa silangan ay nanguna sa kanila tungo sa bahay ni Hesus. Bilang parangal, naghandog ang mga mago ng mga handog kay Hesus ng ginto, kamanyang, at mira.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/04/Mantegna_Magi.jpg/640px-Mantegna_Magi.jpg)