Ma-i
isang malayang estado noong ika-10 hangang ika-14 na daantaon na kilala bilang unang lugar sa Pilipinas na ibinanggit ng isang banyagang sanaysay / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bansa ng Ma-i (Baybayin: ᜋᜌᜒ; Intsik:麻逸 Ma-yit (c'hao)?) o Maidth at Ma'yi-Bangsa (sa Malay), maaari ding Ma'i , Ma'yi , Mai o Ma-yi at Mai't ang pangalan nito, ay isang Dakilang Kaharian sa Luzon noong bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, na kilala dahil sa ugnayan at pakikipag-kalakalan nito sa Kahariang Brunay, Dinastiyang Song at Ming, at sa impluwensyang Tsino (tinatawag ding Imperyo ng kabihasnang Luzon o Imperyong Luzon).
Agarang impormasyon Bansa ng MaiKaharian ng Ma'yi 麻逸MaiMa'iMa-yiMai'tMaidh, Katayuan ...
Bansa ng Mai Kaharian ng Ma'yi 麻逸 Mai Ma'i Ma-yi Mai't Maidh | |
---|---|
c. 971 AD–1339 | |
Katayuan | Dating kaharian |
Kabisera | hindi tiyak (maaaring sa Malolos, Bay, Laguna, o Mindoro) |
Iba pa | Tagalog (opisyal), Intsik, Malay, |
Relihiyon | Shamanismo, Hinduismo, Islam at Confucianismo |
Pamahalaan | Monarkiya |
Hari (Huang) | |
• ? | ? |
• Haring Gatsalyan (1225-???) | ? |
• ? | ? |
Panahon | Gitnang Panahon |
• Itinatag | c. 971 AD |
• Binuwag | 1339 |
Salapi | Ginto, Pilak, Perlas |
Isara
Ayon sa mga iskolar at mga dalubhasa, Ang Kahariang ma'yi ay nakahimlay sa lokasyon ng Mindoro, Ngunit may ibang nagsasabi na ito ay nasa kinaroroonan na kinalalagyan ngayon ng Laguna (malapit ang kabisera sa lawa), at sa Tondo, sa Maynila pati sa Bulacan.