Lopez, Quezon
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon From Wikipedia, the free encyclopedia
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bayan ng Lopez ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 94,657 sa may 23,432 na kabahayan.
Lopez Bayan ng Lopez | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Lopez. | ||
Mga koordinado: 13°53′02″N 122°15′37″E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Quezon | |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Quezon | |
Mga barangay | 95 (alamin) | |
Pagkatatag | 30 Hunyo 1857 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Rachel Ubana | |
• Manghalalal | 60,990 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 355.38 km2 (137.21 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 94,657 | |
• Kapal | 270/km2 (690/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 23,432 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 23.59% (2021)[2] | |
• Kita | ₱317,624,574.77 (2020) | |
• Aset | ₱862,875,795.49 (2020) | |
• Pananagutan | ₱254,724,402.71 (2020) | |
• Paggasta | ₱266,880,422.72 (2020) | |
Kodigong Pangsulat | 4316 | |
PSGC | 045622000 | |
Kodigong pantawag | 42 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | Wikang Manide wikang Tagalog | |
Websayt | lopezquezon.gov.ph |
Ang bayan ng Lopez ay nahahati sa 95 mga barangay.
|
|
|
Noong unang panahon, nagkaroon ng umuunlad na sitio sa katimugang bahagi ng bayan ng Gumaca, sa lalawigan ng Kalilayan, na tinatawag na Talolong. Ang pangalang Talolong ay hango mula sa pangalan ng ilog na dumadaloy sa lugar at pinaniniwalaang ang orihinal na lokasyon ng pamayanan ay itinatag sa bukana ng tahimik na Ilog Talolong sa baybayin ng Bahia ng Lamon, sa pamamagitan ng mga kaapu-apuhan ng Datu Dumangsil at Datu Balinsusa mula sa Kaharian ng Kalilayan. Dahil sa madalas na pandadambong at pagsalakay ng mga pirata at bandido, ang pamayanan ay inilipat sa lokasyon ng kasalukuyang bayan, sa ilaya ng nasabing ilog.
Ang kaharian ni Lakan Bugtali na itinatag sa komunidad ng Gumaca sa lalawigan ng Kalilaya ay naglaho na. Kahit isang bakas ng labi nito ay hindi na matagpuan kahit na sa kapanahunan ng Encomienda ng Kalilayan o kahit na ang kapanahunan ng 16th century kung kailan ito ay namayagpag bilang komunidad. Mula sa pagiging isang Sitio, ang Talolong ay iniakyat upang maging isang Visita sa pamamagitan ng isang Papal Bull, at nagkaroon ng maayos na pamamahala ang komunidad.
Noong taong 1756, ang ilang mga tao mula sa bayan ng Mayoboc (kasalukuyang Pitogo) ay lumikas sa Sitio Talolong, na noon ay malayong barangay ng Gumaca, nang ang mga ito ay tumakas mula sa mga piratang Moro na sumalakay at sumunog sa kanilang bayan. Dito sila nanirahan at makipamuhay sa mga taga Talolong. Matapos ang ilang panahon, ilan sa mga Mayoboquin ay hindi nasiyahan sa mga gawain at pamamahala sa sitio, kaya nagbalik ang ilan sa kanila sa orihinal na pook ng bayan ng Mayoboc at muling itinayo ang isang pamayanan sa isang mataas na bahagi na mas naaangkop upang bantayan ang pagsalakay ng mga piratang Moro. Kalaunan, ito ay nakilala bilang bayan ng Pitogo.
At di naglaon, dala ng katiwasayan ng pamumuhay at pagtaas sa bilang ng populasyon, ang Sitio ng Talolong ay naging Visita ng Talolong at nagkaroon ng sariling simbahan at bumibisitang pari. At makalipas ang ilan pang panahon at pagpepetisyon sa pagsasarili, ay pormal na naging isang ganap na bayan, na inihiwalay mula sa bayan ng Gumaca, Tayabas, noong 30 Hunyo 1857, sa panahon ng pagiging Gobernador ng Probinsya ng Tayabas na si Alcalde Mayor Don Candido Lopez y Diaz. At ang sitio ng Talolong ay pinangalanan bilang ang Bayan ng Lopez.
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 8,549 | — |
1918 | 13,327 | +3.00% |
1939 | 19,948 | +1.94% |
1948 | 22,935 | +1.56% |
1960 | 31,558 | +2.69% |
1970 | 49,021 | +4.50% |
1975 | 55,849 | +2.65% |
1980 | 58,422 | +0.90% |
1990 | 66,037 | +1.23% |
1995 | 75,344 | +2.50% |
2000 | 78,694 | +0.94% |
2007 | 86,660 | +1.34% |
2010 | 91,074 | +1.82% |
2015 | 95,167 | +0.84% |
2020 | 94,657 | −0.11% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.