From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga alondras (Ingles: lark), na tinatawag ding mga ruwisenyor[1] o langay-langayan[2], ay isang uri ng mga ibong nasa pamilyang Alaudidae. Umiiral ang lahat ng mga uri nito sa Lumang Mundo, at sa hilaga at silangang Australya; iisa lamang, ang alondras ng dalampasigan, ang kumalat sa Hilagang Amerika, kung saan tinatawag ito bilang Alondras na may Sungay. Malawakang ang pagkakaiba ng tirahan ng mga ibong ito, subalit marami ang namumuhay sa tuyong mga rehiyon.
Mga alondras | |
---|---|
Alondras ng Himpapawid (Alauda arvensis) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Suborden: | Passeri |
Pamilya: | Alaudidae Vigors, 1825 |
Mga sari | |
|
Alin man ito sa ilang mga may bahid na kayumanggi o abong mga ibong natatangi dahil sa kanilang mga huni, na sadyang kaakit-akit kapag lumilipad sila. Nabubuhay sila sa banayad na bukas na mga kanayunan. Karaniwan silang namumugad sa lupa. Lumalakad sila o tumatakbo, hindi sila tumatalon. Pangunahing natatagpuan sila sa mga tundra sa Katimugan sa Lumang Mundo.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.